^

True Confessions

Hiyasmin (99)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, maagang gumising si Hi­yasmin at nagluto ng almusal.

Nagtataka si Dax dahil wala namang pasok si Hiyasmin dahil Sabado.

“Ba’t ang aga mong gumising Hiyasmin? Di ba kapag Sabado ay wala kang pasok?’’

“Opo Sir Dax. Hindi na po kasi ako makatulog.’’

“Ah dahil siguro magna cum laude ka? Ganyan talaga kapag masaya ang tao—hindi makatulog.’’

“Baka nga po.’’

“Ganyan din ako. Nung ma-promote ako sa tra­baho, hindi rin ako maka­tulog, ha-ha-ha!’’

“Nakahiga lang po ako at nakapikit pero hindi ako dalawin ng antok.’’

“Talaga namang masisi­yahan ka dahil magtatapos ka na may karanga­lan. Pagkaraan ng apat na taon na pag-aaral, nagbu­nga ang pagsisikap.”

“At malaki po ang na­gawa mo kaya ako naging­ magna cum laude. Kung hindi sa iyo, hindi ako ma­­kakapag-aral at hindi ma­papara­ngalan. Sa iyo ko po inihahandog ang me­dalya ko, Sir Dax.’’

“Thanks—pero ba’t hindi sa mama mo?’’

Napailing si Hiyasmin.

“Bakit ka napailing?’’

“Balak ko nga po na huwag ipaalam sa kanya na ga-graduate na ako. Gusto ko ilihim ang lahat.’’

“Hindi mo sasabihin na magna cum laude ka?’’

Umiling muli si Hiyasmin.

“Sabagay matagal pa naman bago ang gradua­tion baka magbago pa ang pasya mo.’’

“Hindi ko po sasabihin kay Mama na ga-graduate ako,’’ sabing mariin ni Hiyasmin.

Napatango na lang si Dax bilang pagsang-ayon.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with