^

True Confessions

Hiyasmin (92)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Mabuti at sumama ka rito, Hiyasmin. Wala ka bang pasok?” tanong ni Nanay habang iniha­handa ang mesa. Tumulong si Hiyasmin.

“Wala po akong pasok ng Saturday, Nanay.’’

“Ay oo nga pala!’’

“Ako po ang nagpresenta kay Sir Dax na sasama para sunduin kayo ngayon.’’

“Talaga?’’

“Nasabi po kasi sa akin ni Sir Dax kaya nagpre­senta ako.’’

“Pero hindi yata kami makakasama sa inyo nga­yon?”

“Bakit po?’’

“Masakit ang paa ng asawa ko.”

“Ni Tatay po?”

“Oo. Rayuma. Halos hindi makalakad.”

“Kaya po pala nakaupo siya sa sopa at hindi tumatayo.”

“Oo. Dalawang araw na. Hindi ko naman nai-text kay Dax na hindi muna kami pupunta sa inyo. Pero nakabuti rin dahil nakapunta ka rito.’’

“Oo nga po.’’

Tinulungan ni Hiyasmin si Nanay na maghain.

“Ano pong niluto mo?’’

“Kare-kare. Magugustuhan mo sigurado.’’

“Paborito ko po yan, Nanay!’’

“Ako mismo nagluto ng bagoong.’’

“Ang bagoong po ang nagpapasarap ano, Nanay?’’

“Oo.’’

Maya-maya lumapit si Dax kina Hiyasmin at Nanay.

“Ang sarap ng pinag-uusapan n’yo ah.’’

“Tungkol sa masarap na kare-kare na niluto ni Nanay, Sir Dax. Pati pala bagoong e siya ang gumawa.’’

“Kakain na ba tayo ng lunch?’’ tanong ni Dax.

“Oo. Palagay ko nagugutom na kayo ni Hiyasmin,” sabi ni Nanay.

“Nagugutom na nga kami, Nanay.’’

“Sige maghahain na.’’

Nang makapaghain kumain na sila.

Masarap ang kare-kare. Bagay ang bagoong alamang na ginawa ni Nanay.

“Ang sarap nga po ng kare-kare, Nanay. Puwede bang mahingi ang paraan ng pagluluto at susubok ako.’’

“Oo naman.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with