^

True Confessions

Hiyasmin (89)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ako hindi ninyo na­mi-miss?’’ nakata­wang sagot ni Dax sa kanyang nanay.

“Nami-miss din pero mas nakaka-miss si Hi­yas­­min dahil napakasarap mag­luto. Gaya ngayon, nag­luto siya ng binakol. Ang dami kong nakain.’’

“Gaano kasarap Nanay?’’

“Masarap. Halika, kumain ka na.’’

Ipinaghain ni Hiyasmin si Dax.

Tinikman ni Dax ang binakol.

“Ang sarap nga! Mawiwili nga rito si Nanay,” sabi nito.

“O di ba masarap?’’

Nagpatuloy sa pagkain si Dax.

Nagpatuloy naman sa pagkukuwentuhan sina Nanay at Hiyasmin. Ang tatay ni Dax ay walang imik at nakikinig lang sa kuwentuhan.

Habang kuma­kain, na­isip ni Dax na talagang nahulog ang loob ng kanyang nanay kay Hiyasmin. Puring-puri talaga si Hiyasmin. Ngayon lang naging ganito ang kanyang nanay na dati ay istrikta at mataray.

Mahusay din kasing makisama si Hiyasmin kaya madaling kinalugdan ng nanay ni Dax.

Palagay ni Dax, magpapatuloy ang magandang samahan ni Hiyasmin at Nanay niya. Mas mahal pa yata ni Hiyasmin ang nanay niya kaysa sa tunay nitong ina.

Dalawang linggong na­­malagi ang nanay at nanay ni Dax. At nang uuwi na ay para pang gustong maiyak ng nanay niya. Mami-miss daw nito si Hiyasmin.

“E di bumalik uli kayo next week. Susunduin ko kayo.’’

Payag ang dalawang matanda.

Nang makaalis ang da­lawa, kinausap ni Dax si Hiyasmin.

“Ang lakas mo talaga sa nanay ko, Hiyasmin!’’

“Bakit Sir Dax.’’

“Bigyan daw kita ng allowance para ka may magastos!’’

(Itutuloy)

DAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with