^

True Confessions

Hiyasmin (85)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HALIKA sa kusina, Hiyasmin at ibibigay ko sa’yo ang pasalubong ko,’’ sabi ng nanay ni Dax na halatang excited.

Nagtungo sila sa kusina. Naiwan naman sa salas si Tatay at nanood ng TV.

Ipinatong ni Nanay ang dalang bag sa mesa at kinuha ang pasalubong kay Hiyasmin. Dalawang supot ang inilabas.

Binuksan ang unang supot.

“Espasol ito, Hiyasmin. Ako ang may gawa. Masarap.’’

“Ay paborito ko po ‘yan, Nanay. May classmate po ako na taga-Nagcarlan na pinasalubungan ako ng espasol.’’

“Ay mas masarap ito. Tikman mo dali!’’

Binuksan ni Hiyasmin ang isang espasol na nakarolyo. Nang mabuksan ay agad tinikman.

“Ay ang sarap!’’

“Di ba? Espesyal ‘yan!’’

“Mas masarap nga po ito kaysa natikman ko.’’

“Dalawang klase ‘yan—isang ube espasol at isang plain. Tikman mo ang ube.’’

“Alin po rito ang ube?”

“Etong may markang ube.’’

Binuksan ni Hiyasmin ang ube espasol. Tinikman.

“Ang sarap din po, Nanay.”

“Eto namang isang naka­balot ay kumot. Binili ko online. Napansin ko kasi na luma na ang kumot mo sa kuwarto. Palitan mo na ‘yun!’’

“Opo Nanay, salamat po.’’

“Walang anuman. Ang bait mo kasi at ang ganda pa!’’

Niyakap ni Hiyasmin si Nanay. (Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with