^

True Confessions

Senate probe sa war on drugs

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Buti na lang at ipinanukala ni Sen. Risa Hontiveros na siyasatin ng Committee of the Whole ang war on drugs ng nakaraang Duterte administration. Masyadong self-serving ang panukala ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na ang pinamumunuan niyang komite ang magsisiyasat.

Si Dela Rosa ang hepe ng PNP sa kasagsagan ng “Oplan Tokhang” kaya kakatwa na komite niya ang magsisiyasat. Para bang ang isang suspect sa krimen ang nagpiprisintang siyasatin ang sarili. Katawa-tawa ito at walang kredibilidad. Sa katunayan, marami ang bumabatikos sa pahayag ni Dela Rosa.

Gusto kasi ni Dela Rosa na pasinungalingan ang findings ng imbestigasyon ng quad committee ng Mababang Kapulungan. Lumilitaw sa imbestigasyon ng Kamara de Representante na utos ni Duterte nang ito’y Presidente pa ang walang habas na pagpatay sa drug suspects. Binibigyan pa umano ng pabuyang hanggang P1-milyon ang mga pulis na makakapatay ng mga prominenteng drug personalities.

Kung may magandang layunin si Dela Rosa, dapat siya na ang nagpanukala na ang siyasat ay isagawa ng committee on the whole. Ibig sabihin, lahat ng senador ay kasamang magsisiyasat na ang mangunguna ay si Senate President Chiz Escudero.

Kasi, paanong maaasahan ang isang walang bias na imbestigasyon kung ang namumuno ng komiteng nagsisiyasat ay dawit sa iniimbestigahang issue?

RISA HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with