^

True Confessions

Hiyasmin (189)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MERON na ba kayong balak ni Dax, Hiyas­min?” tanong ni Nanay Julia.

“Ibig kong sabihin, na­pag-usapan na ba ninyo ang pagpapakasal.”

Napaumis si Hiyasmin.

“Hindi pa po. Wala pa po kaming napag-uusapan tungkol sa pagpapakasal— kasi bagu-bago pa lamang.’’

“Sabagay nga. Kaya ko naman naitanong ay kasi atat na akong magkaapo. Matanda na kami at siyem­pre bago man lang sana mawala sa mundo ay makita namin ang aming apo.’’

“Darating din po sa bagay na yan, Nanay. Huwag ka pong mainip.’’

“Kasi’y naiinggit ako sa ibang kaibigan ko na ipinagmamalaki na may apo na sila. Ipinakikita sa Facebook ang apo nila.’’

“Hindi na po magta­tagal, Nanay.’’

“Salamat, Hiyasmin. At isa pa nga pala, kaya ko rin naitanong ang tungkol sa pagpapakasal e gusto ko rin namang makilala ang mga magu­lang mo. Sabik akong makita sila.’’

Nag-isip si Hiyasmin.

Iyon ang isa sa problema niya. Paano niya ipakikilala ang mama niya sa mga magulang ni Dax.

Baka umiksena pa ang father-in-law niya na matagal na niyang kinapopootan.

At paano rin ang “lihim” na nagkunwari siyang boar­der gayung “scholar” siya ni Dax.

Anong gagawin niya?

Isang araw, nilapitan niya si Nanay Julia. Kinausap nang sarilinan.

“May sasabihin po akong mahalaga sa iyo, Nanay.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with