^

True Confessions

Hiyasmin (82)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

MAY pagkakataon na kapag nag-iisa si Dax ay iniisip niya ang mga mangyayari kapag nakatapos na ng pag-aaral si Hi­yasmin.

Dahil tapos na ito, si­yem­pre aalis na rito sa bahay niya.

Saan kaya titira si Hi­yasmin?

Siguro ay makakakita na ito ng sari­ling tirahan. Dahil magkakaroon ng trabaho, puwedeng kumuha ng unit sa condo.

Sa palagay niya ay madaling makakahanap ng trabaho si Hiyasmin dahil matalino ito. Maru­nong tumindig sa sariling mga paa at mahusay magde­sisyon. Karaniwang ang mga babaing tulad ni Hiyasmin ang nagtatagumpay sa buhay.

Kapag umalis na si Hiyasmin dito, balik siya sa pag-iisa. Wala na siyang makakausap o makakakuwentuhan.

Wala na ring maglilinis ng banyo at mismong bahay.

At higit sa lahat, walang magluluto sa umaga at sa hapunan. Mula nang tumira rito si Hiyasmin, ito na ang gumawa ng mga dati niyang ginagawa.

Mahihirapan at maninibago siya kapag wala na rito si Hiyasmin.

Baka hindi na niya kayanin ang ginagawa?

Napabuntunghininga si Dax.

Ano kaya at sabihin niya kay Hiyasmin na kahit nakatapos na at nagtatrabaho ay dito pa rin tumira?

Puwede siguro ‘yun.

Kahit mababa ang iba­yad na renta ay okey sa kanya.

Sabihin kaya niya kay Hiyasmin?

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with