^

True Confessions

Suklam (159)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“PUMIKIT ka Leah. Sige na,’’ sabi ni Brent.

“Bakit Brent? Ano na naman pakulo yan?’’

“Sige na. May sorpresa ako sa’yo.’’

“Sige pipikit na ako.’’

“Pagsinabi kong mulat na, mulat ka na ha?’’

“Opo Mr. Pakulo, ha-ha-ha. O nakapikit na ako.’’

“Sige bibilang ako… one, two, three, mulat ka na.”

Inilabas ni Brent ang sorpresa kay Leah na engagement ring na may mamahaling bato. Nasa loob ng kahita.

Pagmulat ni Leah, hindi siya makapaniwala sa nakitang engagement ring. Hindi siya makapagsalita.

“Ang singsing na ito ang katibayan nang wagas kong pagmamahal sa iyo,’’ sabi ni Brent at iniabot ang singsing kay Leah.

Hindi pa rin makapag­salita si Leah kahit hawak na ang kahon ng singsing. Nakatingin ito sa singsing.

“Payag ka bang magpakasal sa akin?’’

Napamaang si Leah. Hindi pa rin makapaniwala.

Sa halip na sumagot, niyakap at biglang hinalikan sa lips si Brent.

Si Brent naman ang hindi makapagsalita. Parang nalulon niya ang dila.

Ang sarap ng halik ni Leah!

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with