^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (392)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TININGNAN ni Sam ang nasa iPhone ni Julia. Kunwari ay nanlaki ang kanyang mga mata. Pinagalit kunwari ang eskpresyon ng mukha. Pinakunot ang noo at hindi kumukurap ang mata. Pinaghusayan pa niya ang pag-arte.

“Si Aya ito ah!” sabi niya na hinawakan ang iPhone.

“Sino pa? Alangan namang ako.”

“Bakit narito siya?’’

“Sige, isa-isahin mo pa ang mga kuha. Tingnan mong mabuti, Sam.”

Inisa-isa ni Sam ang mga photo. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Galit pa rin siya kuno at nakakunot ang noo.

“Magbabayad sila!”

“Relaks ka lang Sam. Hindi madadaan sa init ng ulo ito. Huwag kang  magpakagalit sa minamahal mong siyota.”

“Mga walanghiya!”

“Relaks ka lang. Huwag mong ilakas ang boses mo at may nakatingin na sa atin.’’

“Ang akala ko, mabuting babae…’’

Napangiti si Julia. Tagumpay ang plano niya. Tiyak nang sa kanya ang bagsak ni Sam. Sila rin palang dalawa, ha-ha-ha!

“Akala ko ba, lagi kayong magkasama, Sam. Bakit may nakasalisi?’’

Napailing-iling si Sam. Hinusayan pa niya ang pag-arte. Hindi dapat makahalata si Julia.

“Nagtiwala ako. Iyon pala, lolokohin ako.’’

“Nagtataka nga ako sa’yo kung bakit patay na patay ka sa Aya na iyon gayung, narito naman ako. High school pa tayo, mahal na kita.’’

Hindi nagsalita si Sam pero galit pa kunwari ang ekspresyon ng mukha niya.

“Ngayong natuklasan mo na ang lihim, anong plano mo, Sam?”

Hindi sumagot si Sam. Pero makaraan ang ilang sandali ay nagtanong.

“Paano mo nakuha ang mga photos?”

“Ako na lang ang nakaaalam nun, Sam. Mahalaga, may ebidensiya. Anong balak mo, Sam?”

“Makikipag-break na ako kay Aya!”

Parang nakarinig ng magandang musika si Julia.

“Sam, dapat lang. Hindi dapat minamahal ang talipandas na babae!”

Naging malungkot ang mukha ni Sam.

“Narito naman ako, Sam.”

(Itutuloy)

AKO

AYA

BAKIT

HUWAG

JULIA

RELAKS

SAM

SI AYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with