^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI na nakapigil si Aya. Ang kanina pa kinikimkim ay sumabog.

“Hindi na ako magsasabing iwan mo si Tito Janno dahil hindi mo naman ka­yang gawin. Alam ko, kahit na anong pamimilit ko hindi mo rin siya maiiwan. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang itatanong ko lamang ngayon ay hanggang ka­ilan ito gagawin sa iyo ni Tito Janno. Hanggang ka­ilan ka magtitiis? Hanggang kailan mo tatanggapin ang bigat ng kamao niya?’’

Tahimik sila. Maski si Sam ay humanga sa mga pananalitang binitiwan ni Aya. Parang matured na matured na si Aya kung magsalita sa kanyang ina.

“Hindi kita sinisisi Mama. Hindi rin ako nagagalit at hindi rin ako nagsasawa na pagsabihan ka. Ang tanging nadarama ko sa’yo ay pagkaawa. Pero lagi na lamang bang ganito? Parang nakakasawa na.”

Hanggang sa biglang yakapin ni Aya ang ina. Umiyak. Humagulgol sa dibdib ng ina.

“Awang-awa ako sa’yo Mama pero ikaw, hindi ka naaawa sa sarili mo.”

“Aya, uulitin ko naman ba ang dahilan kung bakit. Akala ko, naiiintindihan mo ako…”

“Oo naintindihan kita pero kapag nakikita ko ang pasa-pasa mong mukha at braso, hindi ko maiwasang magalit sa hayup na lalaking iyon! Bakit kailangan kang saktan.”

“Hindi ko rin alam, Aya.’’

Natahimik si Aya. Nakatingin pa rin sa Sam sa mag-ina. Siya man ay damay na sa problema ng mag-ina. At sa nangyayari ngayon, anuman ang problema ng mag-ina, dadamay talaga siya. Hindi niya iiwan ang mag-ina.

“Ano bang problema at sinaktan ka na naman niya? Anong ikinagalit?”
“Hindi ko alam. Basta noong isang gabi pa mainit ang ulo. Lasing kasi.’’

“Noong duma­ting kami ni Sam, umiinom na ‘yun. Masama ang tingin sa aming dalawa. Ewam ko kung bakit.’’

“Hindi ko alam kung bakit ako inaway at si­naktan.”

“Baka nasisiraan ng ulo.”

Napabuntunghininga si Mama Brenda. Muli, nakiusap kay Aya na kalimutan na ang nangyari.

“Inaasahan ko na’yan Mama,” sagot ni Aya.

 

KINABUKASANG magkasabay sa pagpasok, problemado pa rin si Aya sa nangyari sa ina. Naghihimutok. Matindi ang pag-iisip.

“Kailan kaya matatapos ang problemang ito, Sam?”

(Itutuloy)

 

 

AKO

ALAM

AYA

HANGGANG

INA

MAMA BRENDA

PERO

TITO JANNO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with