Kapamilya magsasama-sama ulit sa 2025 ABS-CBN Ball red carpet

Muling magsasama-sama ang mga pinakamaningning na bituin at personalidad sa bansa para sa ABS-CBN Ball 2025: Better Together na gaganapin sa Abril 4.
Ang pinakaaabangang selebrasyon ay bilang pasasalamat ng kumpanya sa kanilang talents, empleyado, at partners sa industriya para sa kanilang suporta.
Layunin din nitong maghatid ng tulong sa beneficiaries ng ABS-CBN Foundation.
Bahagi ng kikitain sa fundraising event ay mapupunta sa pagsulong ng kanilang mga proyekto at adbokasiya.
Sa unang pagkakataon ngayong taon, muling masisilayan ng Kapamilya fans ang pagbabalik ng kanilang mga paboritong artista, performers, love teams, at icons sa industriya sa red carpet ng pinakamalaking charity ball sa bansa.
Panoorin ang special coverage sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, iWantTFC, at TFC-IPTV. Huwag din palampasin ang kauna-unahang ABS-CBN Red Carpet Recap para sa insider scoop sa looks ng best-dressed Kapamilya stars.
Maaari ring mapanood ang replay sa Metro Channel, Kapamilya Channel, at TFC-IPTV simula Abril 6.
- Latest