^

PSN Showbiz

Rayver: ‘Si Julie na talaga ang gusto kong mapangasawa’

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rayver: �Si Julie na talaga ang gusto kong mapangasawa�
JulieVer
STAR/File

Pakakasal na ba sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose?

Ito ang madalas itanong sa magkarelasyon.

Kaya naman hindi nakaligtas si Rayver noong isang gabi.

Mabilis naman ang sagot ng Kapuso actor na “In the near future.”

Sure na sure na ang actor na sila na nga ni Julie Anne. “Sobrang saya. Getting stronger everyday. Super happy. Kita naman sa aura ko na sobrang saya ko ngayon,” umpisa niya.

“‘Yung about sa kasal, medyo mahirap magsalita tungkol diyan, kasi lagi rin naman tinatanong sa akin ‘yan. Mahirap pang sagutin ‘yan ngayon, kasi gusto ko sana si Julie muna ang unang makakaa­lam kung kailan ko paplanuhin,” dagdag niya.

Pagdidiin niya: “Pero one thing na sure ako, si Julie na talaga ang gusto kong mapangasawa. Of course, marami pang kailangang gawin, pero kung will ni Lord, si Lord na ang bahala.”

Paliwanag niya, mataas ang respeto niya sa karelasyon: “Of course, sobrang taas ng respeto ko sa family ni Julie, sa parents niya, so kapag plan­tsado na lahat, hindi naman natin alam kung kailan ‘yan, pero kung iuukol na ng Panginoon… yes, si Julie naman na talaga ang gusto kong makasama habangbuhay,” parang memorized nang sagot ni Rayver pagkatapos ng presscon ng pelikulang Sinagtala kung saan isa siya sa mga bida.

Tho may times na gusto na rin niyang magka-baby lalo na ‘pag nakikita niya ang anak ng brother niyang si Rodjun Cruz na dalawa na ang anak.

“Si Rodjun talaga ang role model ko. ‘Yun din ang goals ko, ang magka-baby na rin, magka-pamilya rin.”

Anyway, aside from Rayver, bida rin sa Sinagtala sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Arci Muñoz, Matt Lozano, directed by Mike Sandejas.

JULIE ANNE SAN JOSE

RAYVER CRUZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->