^

PSN Showbiz

Ellen, biglang bawi sa pasilip na baby bump

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ellen, biglang bawi sa pasilip na baby bump
Ellen Adarna.
STAR/ File

Na-capture agad ng ilang netizens ang Instagram post ni Ellen Adarna noong Sabado ng gabi na kitang-kita ang baby bump nito.

Parang nasa loob ng banyo ang kuha nito na nag-selfie siya sa harap ng salamin.

Ang nasa caption ng naturang post ay, “I spy with my little eye (eyes emoji) Casual date night look feeling confident with @ultherapyphy #NoBadTakes.”

Kita ang umbok sa tiyan, na tantiya ng ilang nanay na napagtanungan ko, mga anim na buwan na raw ‘yun.

Pero depende pa rin sa may katawan kung malaki o maliit magbuntis ang isang babae.

Ilang sandali lang pagkatapos na nai-post ‘yun ni Ellen ay dineactivate na niya ang kanyang Instagram account.

Kinabukasan ay nandiyan na uli ang IG account niya, pero deleted na ang naturang post.

Ibig sabihin, ayaw pa niyang ibahagi sa publiko ang tunay niyang kalagayan.

Ang ibang netizens naman ay naartehan na sa ginagawa ni Ellen, pero wala naman tayong magawa dahil katawan niya ‘yun at siya ang masusunod.

Sabi nga ng iba, “my body, my rules!”

Kaya hintayin na lang natin ang kanilang kumpirmasyon, dahil gustung-gusto na sana naming tsikahin si Derek Ramsay kung gaano siya ka-excited sa magiging first baby nila ng kanyang asawa.

Kathryn, gusto ring katrabaho ni Barbie

Nalagay sa awkward position si Barbie Forteza nang tinanong siya sa nakaraang media conference ng pelikula nila ni David Licauco na That Kind of Love, sa isang tanong na ikinumpara siya kay Kathryn Bernardo.

Sa mga nakaraang interview kasi kay David Licauco ay sinasabi niyang dream niyang makatrabaho na kahit support lang kay Kathryn Bernardo.

Sinasabing ang acting daw ngayon ni Barbie ay mala-Kathryn na rin.

Si Kathryn Bernardo ba talaga ang peg niya sa pag-arte?

Matagal bago sinagot ito ni Barbie at maingat sa pagsagot, at baka mag-react at ma-bash siya ng fans ni Kathryn.

“Actually, naku… hindi ko alam kung papaano ko po sasagutin ‘yan.

“Kasi aaminin ko, isa rin po si Miss Kathryn Bernardo sa mga taong nilu-look up ko sa showbiz,” tila naaalangan pa niyang sagot.

“She really handles her career and personal life really, really well. And that is why there’s no doubt kaya maraming brands ang naa-attract niya.

“Dahil ganun niya talaga dalhin ang sarili niya. And so to be acknowledged or to be noticed na kahit papaano ay parehas, is siyempre a very big honor for me.

“And sana, sana magkatrabaho kaming dalawa dahil isa rin siya talaga sa mga gusto kong makatrabaho, at isa sa mga ina-admire kong actors of our generation,” dagdag niyang pahayag.

Hindi naman pinangarap ni David na maka-loveteam si Kathryn. Okay na raw siya kahit mag-support lang siya sa isang project.

Sa ngayon kasi ay kumportable na siya sa tambalan nila ni Barbie.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with