^

PSN Showbiz

Barda, pinagbigyan ang pantasya ng fans

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Barda, pinagbigyan ang pantasya ng fans
David Licauco at Barbie Forteza

Feeling lucky girl si Barbie Forteza na hindi insecure ang boyfriend niyang si Jak Roberto lalo na sa loveteam nila ni David Licauco. As in naiintindihan nito ang tambalan nila ni David kahit na nga sunud-sunod ang kanilang mga project.

Na ang latest ay itong first movie ng BarDa, ang That Kind of Love directed by Catherine Camarillo and produced by Pocket Media Productions, Inc.

“Sabi niya, ‘o, eh, kelan natin papanoorin?’ Sabi ko, ‘July 10 sa sinehan,’” kuwento ni Barbie sa ginanap na pocket presscon ng pelikula.

Kaya naman sobrang na-appre­ciate niya ang attitude ng karelasyong aktor. At ito ang rason kaya confident din siya sa mga ginagawa nila ni David. Like itong That Kind of Love na sa South Korea pa nag-shooting.

Chika niya sa interview after the presscon: “Hindi ko ma-describe kung gaano kalaki ang suporta niya sa akin.

“Ang isang sure, hindi ko kompor­tableng magagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon kung hindi siya full support sa akin,” dagdag ng Kapuso actress.

Kumusta naman ang shooting nila sa South Korea? “Kasama namin si Divine (Aucina, one of the cast). Tatlo kami sa Korea. Sobrang saya kasi nalibot namin ‘yung mga famous K-drama locations.
“Actually, ‘yung wall na nilalakaran namin ni David du’n sa ending ng trailer, ginamit siya sa isang K-drama na project,” parang kinikilig na chika pa ni Barbie.

Ang lakas ng dating ng trailer ng pelikula. May Korean drama feel. At ang isa raw sa hindi niya makalilimutan ay ang eksena ay ‘yung sa tunnel dahil lamig na lamig siya that time. ‘Yung eksena naman nila sa crossing sa gitna ng daan ang memorable para kay David.

“Actually, lahat ng scenes, memorable dahil ‘yung mga locations na kung sa’n kami nag-shoot ay talagang ‘yung mga sikat doon, ‘yung mga very artistic, ‘di ba?

“Pero para sa akin, pinaka-memorable ‘yung nandu’n tayo sa crossing dahil romantic siya, buwis-buhay, saka maraming tao, tapos malamig. Actually, super-saya siya.

“And na-enjoy ko rin ‘yung nagpunta kami sa Itaewon dahil super-fan ako ng Itaewon Class na TV show,” mahabang pag-aalala ni David.

Sabagay, ang lakas ng kilig sa mga eksena nila sa trailer pa lang ng pelikula na showing na sa July 10. Ayon nga kay Barbie, pagbibigyan nila ang pantasya ng fans sa pelikulang ito.

Anyway, kasama rin sa movie sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jeff Gaitan, Ivan Caraplet at Kaila Estrada.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

BARBIE FORTEZA

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with