^

PSN Showbiz

Bianca at Ruru, ayaw sa live-in

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bianca at Ruru, ayaw sa live-in
Ruru Madrid at Bianca Umali.
STAR/ File

Halos anim na taon nang magkasintahan sina Bianca Umali at Ruru Madrid. Sa loob ng ilang taon ay marami na ring pagsubok ang nalampasan ng dalawa. “It has been one heck of a ride, Tito Boy, honestly. There’s no specific word that could really describe pero it’s a journey that we actually also are surprised that we have been surviving and we are still enjoying it together. Parang every year meron talaga kaming pagsubok na pagdaraanan. Every challenge that goes through the relationship is always the hardest. We are also very open to sharing our stories, Tito Boy. Kasi that’s the reality of every relationship eh. Walang relasyon ang perpekto and we’re proud of all of the imperfections that we’ve gone through. Alam namin ni Ruru ‘yung tinahak naming dalawa kaya ganito kami ka-strong ngayon,” pagbabahagi sa amin ni Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda.

“No’ng una parang ang daming pinag­daanang pagsubok. Ngayon ito na po ‘yung mga nangyayari sa amin. Do’n mo mare-realize na lahat may dahilan kung bakit natin kailangan pagdaanan ‘yung mga unos na ‘yon. Kasi ito pala ‘yung kapalit no’n, kung ano ‘yung mga tinatamasa namin ngayon,” dagdag naman ni Ruru.

Para kina Bianca at Ruru ay malaking bahagi ng kanilang relas­yon ang Panginoon. “For us it’s faith kay God. Pagpapanata every night, palagi kaming nagpe-pray kahit hindi kami magkasama. Pagdating ng 7 p.m. alam namin na mananalangin kaming dalawa,” paglalahad ng aktor.

“Magkasama man kami o hindi, okay man kami o hindi, palaging sa Kanya kami maglalabas ng sama ng loob bago kami talagang mag-usap nang kaming dalawa,” dagdag naman ng dalaga.

Kahit matagal nang magkarelasyon ay hindi sang-ayon sina Bianca at Ruru sa pagsasama sa iisang bubong nang hindi pa naikakasal. “Alam naman natin na it will be a phase. Pero now especially that we are in our religion as well. It is not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal, and we honor that. Kasi ako rin po alam ko na I am reser­ving myself for that person I know who will love me forever and alam kong si Ruru ‘yon. Alam kong darating kami do’n,” makahulugang paliwanag ng aktres.

Jolina, may kakaibang ipapakita

Kabilang si Jolina Magdangal sa Lavender Fields na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Janine Gutierrez at Jodi Sta. Maria. Ngayon pa lamang ay sobrang excited na ng singer-actress dahil muling mapapasabak sa pag-arte kasama ang tatlong bida ng serye. “Sobra ako na-excite kasi naka-work ko si Jodi bata pa kami. Hindi ko pa siya naka-work na talagang acting-an. Sobra ko siyang pinapanood and sobra akong nagagalingan sa kanya. Si Echo hindi ko masyadong nakasama sa soap. Nakakasama ko si Echo sa mga shows naman abroad, sa TFC (The Filipino Channel). Hindi ko po siya nakakasama na talagang acting. Si Janine nakasama ko siya sa kabilang network but hosting ‘yon and kapapasok niya pa lang noon and ako naman pa-goodbye na ako noon. So hindi talaga kami nagka-work. Nae-excite ako na makakasama ko siya rito,”pagdedetalye ni Jolina sa ABS-CBN News.

Gagampanan ng singer-actress ang karakter ni Lily Atienza sa bagong serye mula sa Dreamscape Entertainment. Ayon kay Jolina ay talagang kakaiba ang matutunghayan sa kanya ng mga tagahanga sa naturang proyekto. “Iba si Momshie Jolina dito. Hindi ito chuva-choo choo. Dito n’yo makikita ‘yung Jolina na iba. Sabihin na nating more than three decades dito sa industriya. Mayroon ka pa ring hahanapin and I guess siguro ‘yung magkaroon ka ng character,” pagbabahagi niya.

(Reports from JCC)

 

vuukle comment

BIANCA UMALI

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with