^

PSN Showbiz

Dingdong, pahinga muna sa MMFF

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, pahinga muna sa MMFF
Dingdong Dantes.
STAR/ File

Sa napakaraming film offers ngayon ni Dingdong Dantes kasama na ‘yung ginagawa niyang pelikula with Charo Santos sa direksyon ni Irene Villamor, sasali ba si Dingdong sa Metro Manila Film Festival 50th anniversary?

Kahit GMA Films parang may offer din kay Dingdong na siyang Box Office King dahil sa MMFF record ng Rewind.

But sadly, Dingdong opted to turn down the possibility of doing an MMFF movie kasi babawi raw muna silang mag-asawa sa pamilya, so hindi talaga sila makakasali sa MMFF this year! Why?

Dahil aside from the Christmas Season, 10th Wedding Anniversary nila ni Marian Rivera this year kaya gusto nilang i-celebrate ito nang walang distractions. Ganun!!!

Paglipad at pag-tumbling ni Sharon, napansin

Sari-sari ang reaksyon sa Netflix ad ni Sharon Cuneta kung saan nagpalipad-lipad siya at nagpatumbling-tumbling pa. ‘Di ba, na-catch ang attention nating lahat?

Parang super ferry commercial niya lang dati! Sana sana makagawa pa si Shawie ng marami pang magagandang pelikula –marami siyang nakaabang na mahuhusay na materyal, push lang at tamang timing, go go go ‘yan!

Pero tuloy ba ang teleserye nila ni Julia Montes? Kung ganu’n kasi, mahirap mag-shoot ng pelikula, at may soap at the same time. Let’s see kung ano ang kakayanin ng ating megastar!

Quezon City Circle, dadagsain para sa Pride Celebration

Isang malaking pride parade ang naka-sked ngayon sa QC Circle at mukhang magkakaisa lahat ng sektor para suportahan ang pinakamalaking Pride Celebration sa lungsod ni Mayor Joy Belmonte.

Totoo bang darating at magpa-participate mamaya ang biggest gay icon ngayon na si Vice Ganda na talaga namang taga-Quezon City? Balita ko, marami pang celebrities na kahit hindi member ng LGBTQIA plus plus plus ay ka-join sa parade – basta makikiisa lang sa Pride Cause.

Paano pa kaya ‘yung mga talagang out and proud na? Sino kaya sa mga mag-a-out ang sasama sa parade mamaya? Meron sana raw na qualified kaso may concert daw abroad. Sabeeeeh? Cynthia?

Last minute presentor, nang-agaw ng limelight!

Ano ba naman itong si Sheena Palad? Pagkatapos lumikha ng ingay sa FAMAS bilang sinasabing last minute na presentor na sana ay nakalaan kay Eva Darren, heto na naman siya nang-aagaw ng limelight dahil sa hindi magandang pakitungo niya sa kasamahang performer on stage.

Teka, kasama ba ‘yun sa act niya at pagiging OA singer niya katulad ng kanyang hashtag sa post?

Pero bakit naman ganu’n – at the expense of her other co-performer?

Nakakataquote:

“Gulatin mo rin mga tao…mag-Charice Pempengco ka ulit…hahaha joke lang pero in fairness magaling si Stell Ajero… Mala-Jed Madela din but still don’t compare with Charice. .. Ooops just saying lang ha, its (sic) my own opinion…Darami na naman busher (sic) ko… Peace Yow!  – Raquel Pempengco

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with