^

PSN Showbiz

Mariel, naka-picture sa sikat na oppa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mariel, naka-picture sa sikat na oppa
Mariel, Isabella at Park Seo-Joon
STAR/File

Ang bongga naman ni Mariel Rodriguez na na-meet ang sikat na Korean actor na si Park Seo-joon.

Nagkaroon nga ng first mother and daughter trip sina Mariel at panganay nila ni Sen. Robin Padilla na si Isabella sa Korea.

Bilang barley tindera ay nagkaroon siya ng travel incentive at ang anak na si Isabella ang kanyang isinama habang iniwan muna sa mister ang bunso nila.

Napagdesisyunan nilang maghati muna sa mga anak dahil nagkaroon na sila ng pagkakataong mag-travel nang wala ang mga anak at ayaw naman nilang isipin ng mga ito na inaabandona nila ang mga ito.

Binahagi niya sa kanyang post na nakita nilang Korean star sa kanilang trip at makikita ang kabuuan ng kanilang meetup sa kanyang vlog.

“Oh did i mention that Isabella and I met PSJ in korea,” post niya ng litrato nilang tatlo kasama si Park Seo-joon.

Kasama pala sa kanilang privilege ang makita ang Itaewon Class actor dahil endorser pala ito ng produkto rin na ini-endorse nito at kasabay ng kanilang trip ay ang pag-shoot nito ng commercial.

Marami naman ang nainggit sa kanilang mag-ina dahil ang swerte raw ng mga ito na nakapagpa-picture pa sa aktor.

Napa-sana all ang mga kaibigan ni Mariel at mga tagahanga niya dahil marami nga ang naaadik sa panonood ngayon ng mga Korean drama at isa nga aktor sa mga sikat na leading man.

Aliw rin ang naranasan nila sa bansa dahil napilitan silang bumaba ng bus kung saan nahirapan itong dumaan sa isang paliko at kinailangang bumaba ng mga pasahero na medyo kinabahan sa nangyari.

Maririnig ang boses ni Mariel na sumisigaw at nakiki-guide sa driver ng bus na tila may tatamaan sa gilid ng daan pero makikita sa vlog nito na naaliw rin sila ng iba pang kasama sa byahe sa nangyari.

‘Kaloka ha. ‘Di ko ‘to naranasan nung pumunta ako sa South Korea. Lagi akong hopia sa mga oppa na pangarap kong makita.

Pero ayoko naman maging tindera para lang makita sila noh.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with