^

PSN Showbiz

Aktres, limang buwang buntis sa aktor!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakakatuwa ang sobrang excitement ni Albie Casiño nang nakita nito ang kanyang anak nang pinuntahan niya ito sa Amerika.

Isang napaka-cute na baby boy na sobrang tuwa ng aktor nang kinarga na niya ito.

Tiyak na ito rin ang feeling ng kilalang aktor kapag makita na niya ang first baby niya sa kanyang misis.

Matagal na nilang sinasabi na gusto nilang magka-baby, at ngayong taon sana.

Ang latest na balita namin, five months preggy na si misis pero hindi pa nila ito ipino-post sa kanilang social media account.

Nakikita naman namin sa mga huling posts nila, parang ang liit naman ng tiyan ni misis kahit five months na ang ipinagbubuntis nito.

Sabi ng ilang nanay na nakausap ko, meron daw talagang maliit magbuntis, kaya hindi pa nahahalata ‘yan sa ngayon.

Tingnan daw natin pagtuntong ng six months dahil mahirap na raw itago ‘yun.

Kapag sa susunod na buwan ay wala pa silang pino-post na nakikita si misis, malamang sa alamang na lu­malaki na ang tiyan nito.

Definitely, hindi naman nila itatago ‘yan. Pero sa ngayon ay ayaw siguro nilang mapapag-usapan ito ng publiko dahil natatakot sigurong maudlot pa.

Pero isa kami sa nananalanging maging okay ang kalagayan ng aktres hanggang sa pagkapa­nganak niya.

Ngayon pa lang ay kino-congratulate na namin ang kilalang showbiz couple na ito.

Samantala, iuuwi na pala ni Albie Casiño ang baby nila dito pagbalik niya ng Amerika.

Sobrang inspired na raw ngayon si Albie na magtrabaho dahil sa baby nila ng kanyang non-showbiz partner.

Congratulations na rin sa bagong tatay na si Albie Casiño.

Sylvia, gustong angkinin ang APO!

Inaabangan naman ngayon ay kung kailan na ba manganganak si Ria Atayde.

Nakikita na sa social media na malaki na ang tiyan ng aktres pero wala pang inaamin ang mag-asawang Ria at Zanjoe Marudo.

Kaya lagi ngang sinasabing irespeto na natin ang kanilang pananahimik.

Nung huli naming nakatsikahan si Sylvia Sanchez ay hindi talaga kami pinatanong tungkol sa kanyang magiging apo.

Pero humirit siyempre ang taga-SPEEd na si Jerry Olea na hypothetical lang ‘pag magkaapo na ito, maiiba na ba ang focus niya. Siya pa rin ba ang mag-aasikaso ng sinisimulan nilang film production nilang Nathan Studios.

Diretso ang mata ni Sylvia kay Jerry na sinagot niyang, “Hindi ba puwedeng sila sa Nathan, akin ang mga apo ko? Ako na lang! Tapos sila na ang magpapatakbo ng Nathan Studios, kasi future nila ‘to e.

“Siyempre, alagaan nila ‘yung mga anak nila. But at the same time, sabi ko nga sa kanila, ayusin nila ‘yung negosyo. Itinayo namin ito ng Daddy nila dahil sila ‘yung inisip namin e ‘di ba?” dagdag niyang pahayag.

Natutuwa si Sylvia dahil medyo gamay na raw niya ngayon ang trabaho sa Nathan, ngayong tatlong taon na silang pumupunta sa Cannes International Film Festival para mamili ng mga pelikulang idi-distribute nila dito sa Pilipinas.

Itong huling punta nila sa Cannes kasama si Lorna Tolentino ay mga pelikulang pambata ang nabili nila.

Nasubukan na nilang bumili ng art films, action films, pero hindi pa gaanong kinagat itong mga unang na-distribute nila.

“Suntok kami dun sa art film, hindi kinagat. Action, hindi kinagat. So, tingnan natin ang mga bata, animation. Sa susunod, drama naman, romance, love team, love team tinatanggap naman dito, pero depende rin ‘yun ‘pag maganda,” sabi pa ni Sylvia Sanchez.

Ito nga at ang ganda ng pagtanggap ng mga manonood sa Inside Out 2. Kaya baka this time ay suwertehin na ang susunod na idi-distribute ng Nathan Studios.

vuukle comment

ALBIE CASIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with