^

PSN Showbiz

Arci, sinunog ang basher!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Arci, sinunog ang basher!
Arci Muñoz.
STAR/ File

Sinagot ng aktres na si Arci Muñoz ang isang basher na nagkomento sa kanyang Indepen­dence Day post.

Inalala niya sa kanyang post kung paano siya nagsimulang sumailalim sa kanyang military training apat na taon na ang nakararaan. Nabanggit niya kung paano niya nahikayat ang maraming kababaihan na sumali rin bilang reservist.

“Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong pilipinas! (Ph flag) june 12, 2020 apat na taon na ang lumipas nang aking unumpisahan ang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang Babae sa aking henerasyon at propesyon na sumailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training. Simula rin noon ay tumaas ang bilang ng mga nag pa tala bilang #reservist lalo na sa mga kababaihan. Ako ay nagagalak dahil nagampanan ko ang aking layunin at tungkulin na mahikayat ang aking kapwa na maging bahagi ng #sandatahanglakas at makatulong pa sa aking mga kababayan. Higit pa ay para isulong ang kapayapaan. Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo. Saludo ako sainyo! #happyindependenceday #paf #military #pilipinashukbonghimpapawid”

Pero hindi ito pinalampas ng basher at nagkomento ito ng “Question is, will you tread to mudd and bleed when the time comes to save our soverignty. So easy to look tough on socmed”

Hindi rin nakaligtas ang basher at sinagot ito ng aktres ng patanong.

“question is, did ya even try to make an effort in serving your country? Do you even know why reservist exist? And our duty? Being in the force doesn’t mean you need to go to war for me it’s more of promoting peace. It’s so easy to talk shit and look tough on socmed no?” sagot ni Arci.

May mga netizen naman na nagkomento na ang kapal daw kasi ng makeup at foundation ng aktres at puro pang-IG lang ang mga litrato nito kaya hindi masisisi ang iba kung bakit hindi sineseryoso ng mga ito ang mga artistang nagpo-post ng mga ganitong litrato.

Pero marami naman ang sumuporta rin sa kanya at sinabing sunog ang basher sa kanya.

Napahiya nga kasi ang basher sa naging sagot nito at huwag na lamang daw pansinin ng aktres ito. Bongga.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with