^

PSN Showbiz

Pagbubuntis ni Ellen ‘di pa inaamin...judgment day ni Derek, maraming na-hopia!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pagbubuntis ni Ellen �di pa inaamin...judgment day ni Derek, maraming na-hopia!
Ellen Adarna at Derek Ramsay

Iba ang iniisip naming ibig sabihin ng “Judgment day” na ipinost ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram account.

Akala ko nga may ia-announce na sila tungkol sa tunay na kalagayan ni Ellen Adarna na diumano’y nagdadalangtao na raw ito.

Hindi naman pala.

Ang ‘Judgment’ pala na tinutukoy ni Derek ay ang araw nang mag-decide na sila ni Ellen na magpakasal dalawang taon nang nakaraan.

Kahapon pala, June 22, ay ang araw nang napagdesisyunan nilang magpakasal na sa Nov. 11 na ginanap sa isang resort sa Bagac, Bataan.

Kung totoo ngang buntis si Ellen, tama lang na pagkalipas ng dalawang taon ay magkaka-baby na sila, dahil malaki na rin si Elias, at gusto na rin talaga nilang magka-baby.

Kaya sabi na lang ng ilang taong malapit sa mag-asawa, hintayin na lang natin kung ia-announce nilang magandang balitang magkakaroon na ng dagdag na miyembro ng pamilya.

Pero masaya ang lahat para kina Derek at Ellen kung totoong buntis na nga ito na hindi pa nga nila inaamin.

Nanay ni Jake, nakisakay sa pag-viral ni Stell!

Dahil sa viral na All By Myself na rendition ni Stell Ajero sa nakaraang concert ni David Foster sa Araneta Coliseum, ang daming nakisakay at isa na rito ay ang ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco dahil wala raw siyang pakialam sa mga bashing na inabot niya nang nag-react ito sa ilang nag-post na ipinagkumpara ang version ng All By Myself ni Stell, Charice Pempengco at ang original na kumantang si Celine Dion.

Ang dami ngang nag-react at nagbigay ng opinyon, at isa na rito si Mommy Raquel na kaagad na nagkomentong huwag naman daw ikumpara si Stell sa kanyang anak.

Inaasahan na niyang marami ang magbibigay ng opinion tungkolnsa kanyang mga pahayag, pero wala raw siyang pakialam at tila nag-enjoy pa nang pinutakti ito ng bashing.

Sabi niya sa kanyang Facebook account, “Oh em gee!!! Viral na naman ako….sabi ko na nga ba dadami pa basher ko…masama bang maglabas ng opinyon at memories ko…my goodness. (laugh emoji)”

Na-enjoy na ito ng ina ni Jake Zyrus dahil napapansin pa rin siya ng netizens at celebrity pa rin ang dating niya.

May ipinost na naman siya uli sa kanyang FB account kahapon na sinabi niyang, “Proud na proud ako kc napadikit ang picture ko kay Stell Ajero…I’m an avid fan ng Gento SB19 since narelease yan…at di ko ala, na member xa ng SB19…actually mula ng nawala ang idol ko di na ako nanonood ng mga local music…ipinasa lng sa akin kaya ko nakikita then I was surprised when I heard him singing the money note All By Myself that Daivd Foster wanted too to Charice Pempengco now Jake Zyrus before….no comparison for both of them, their (sic) both amazing in their genre…”

Ito na lang ang napakinabangan ni Mommy Raquel sa dating kasikatan ng kanyang anak. Pero sana magkaayos na talaga sila.

Lalong sumisikat ngayon si Stell at sumabay naman ito sa promo concert nila ni Julie Anne San Jose na Julie X Stell: Ang Ating Tinig na gaganapin sa New Frontier Theater sa July 27 at 28.

Magmula nang in-announce na bukas na ang bentahan ng tickets sa Ticketnet, ang dami nang nagtanong sa akin kung paano sila makakakuha ng tickets.

Inaalam pa namin ang performance ng ticket selling ng naturang concert na nagkakahalaga mula P1,500 hanggang P6,500.

 

vuukle comment

DEREK RAMSAY

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with