^

PSN Showbiz

Michelle, sigurado na kay Enzo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Michelle, sigurado na kay Enzo
Enzo Pineda at Michelle Vito

Aminado ang aktres na si Michelle Vito na pinagbawalan niya ang karelasyong si Enzo Pineda na magpa-sexy noon.

Ibinahagi niya sa Fast Talk with Boy Abunda na natakot lamang daw siya na ma-typecast ang boyfriend sa ganung role.

Naririnig daw niya na sunud-sunod ang offer nito pagkatapos gawin ang proyekto kaya pinigilan na niya ito.

May pagkakataon naman daw ka­sing daring ang pagpapaseksi ng aktor at meron pang love scenes.

Explorative na aktor daw kasi siya ng mga panahong iyon. Hindi raw kasi makokonsiderang aktor kung hindi open sa mga ganung klaseng proyekto kaya para sa kanya ay kailangan daw maranasan ang ganun kahit isang beses lang.

Samantala, natanong din ang dalawa sa kanilang plano sa apat na taon nilang relasyon na hindi pa nila natatanong sa isa’t isa.

Ikinuwento nila na una silang nagkita sa isang fashion show pero may kanya-kanya pa silang relasyon noon.

Nagkadebelopan lang sila sa isang teleserye.

Nagtanungan ang dalawa kung ano nakikita nila sa kanilang relasyon five to 10 years from now.

Nakikita na raw ng aktor na titira sila sa probinsya kung saan mas tahimik ang buhay nila.

Habang si Michelle naman ay sigurado na rin sa nobyo at sinabing gusto na niya itong kasama sa buhay kahit mag-away sila ng ilang beses.

Mukhang sa altar na nga patungo ang relasyon ng dalawa dahil nakikita na nila ang isa’t isa na magkasamang bubuo ng pamilya. Bongga.

vuukle comment

ACTOR

ENZO PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with