^

PSN Showbiz

Tom, minamalisyahan sa ex ni Catriona!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tom, minamalisyahan sa ex ni Catriona!
Tom at Clint
STAR/File

Naintriga ang netizens nang makita nilang isa lang ang fina-follow ng ex ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad, at ito ay ang aktor na si Tom Rodriguez.

Gulat na gulat nga ang followers nito dahil isa lang ang tinira nito sa following at ito ang ex ni Carla Abellana.

Binigyan ito ng malisya ng netizens at naalala nila na ganitong-ganito rin si Clint sa ex na si Catriona noong magkarelasyon pa sila. Kahit libu-libo ang followers niya ay isa lang ang fina-follow niya kundi ang beauty queen.

Maaalalang naghiwalay ang dating mag-asawang sina Carla at Tom matapos ang ilang buwan lamang nang sila ay ikasal at nag-divorce.

Walang sinabing dahilan ang mag-ex pero maraming naging ispekulasyon ang mga tagahanga at kasama na nga roon ang intriga tungkol sa sekswalidad ng aktor.

Nagkaroon ng programa si Tom noon kasama si Dennis Trillo na My Husband’s Lover at intriga nga ng netizens ay sinabuhay nito ang kanyang karakter na ginampanan na parang malayo namang magkatotoo.

Samantala, naging issue nga ang pag-follow ni Clint kay Tom habang fina-follow rin siya ng aktor.

Kaya naman naloka ang netizens kung may something na nga raw ba sa dalawa.

Sa pagbabalik ni Tom pagkatapos niyang magpahinga matapos ang hiwalayan nila ni Carla ay sinabi niyang may bago na siyang dine-date at handa na siyang magmahal ulit.

‘Kakaloka. Hahaha.

‘Wag lagyan ng malisya.

Baka naman chika lang ‘yan na walang batayan at may malisya lang.

Mapapanood sa ALLTV

Talagang excited na ang lahat sa 7th Eddys ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na ipalalabas sa ALLTV.

Alam ko na pinagpapagurang mabuti ni Salve ang awards night na ito dahil ang next project nila ay iyon namang para sa kapakanan ng members na parang Mowelfund.

Maganda ito dahil ngayon na medyo uncertain ang mga bagay-bagay sa trabaho nating showbiz writers maganda na meron kang matatakbuhan ‘pag medyo gipit ka.

Pinaka-kawawa pa namang feeling ng isang tao na hindi alam gagawin ‘pag may emergency. Kaya dapat talagang may mga ganitong makaka­tulong sa kanila.

Salamat kay Rhea Tan ng Beautederm na agad naging major sponsor para sa Eddys.

Tiyak ako na marami pa ang willing na magbigay tulong. Baka makuha rin sina Chavit Singson at iba pang mga puwede maging ninong at ninang ng SPEEd.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with