^

PSN Showbiz

Martin, gustong makipag-collab sa bagong henerasyoin

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Martin, gustong makipag-collab sa bagong henerasyoin
Martin Nievera

Mas pinatibay ni Martin Nievera ang ugnayan sa ABS-CBN, ang kanyang itinuturing na tahanan sa loob ng 37 taon, nang pirmahan niya ang kanyang panibagong kontrata sa kumpanya noong Linggo (Mayo 19).

“I was Kapamilya when we used to call this the Sarimanok station. Before the word was ever used, I was already Kapamilya. You had me at hello. Just like finding the right girl in your life, I found my right home. There’s no place else to go but home,” ani Martin.

Kinilala rin niya ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay sa loob ng 42 na taon sa showbiz industry.

Ibinahagi rin ni Martin na nais niyang makipag-collaborate sa bagong henerasyon ng mga artist, kung saan aniya ay marami siyang matututunan na bagong techniques sa pag-perform.

Nakatakda rin siyang bumalik sa Big Dome para sa kanyang 42nd anniversary concert at nagha­handa na rin para sa ASAP Natin ‘To sa California.

Dumalo sa contract signing ang ABS-CBN exe­cutives na sina chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, at CFO Rick Tan Jr. Kasama rin sina Erik Santos, Darren Espanto, KZ Tandingan, at Bamboo na inawit ang mga hits ni Martin.

Kilala bilang Concert King of the Phi­lippines, malaki ang naging kontribusyon niya sa Philippine Pop Culture dahil sa kanyang iba’t ibang sold-out local at international concerts at pagiging multi-awarded singer-songwriter sa likod ng timeless OPM hits tulad ng Say That You Love Me, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Maging Sino Ka Man, at iba pa.

Isa rin siya sa mga orihinal na host ng longest-running musical variety show na ASAP, kung saan naimbento niya noong 1995.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with