^

PSN Showbiz

Kathryn, kinalimutan na ang birthday ni Daniel

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, kinalimutan na ang birthday ni Daniel
Daniel Padilla
STAR/File

Ipinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang 29th birthday kahapon.

Ilang kaibigan namin ang sumama sa Kapamilya actor na pumuntang Pampanga para i-celebrate ang espesyal niyang araw sa isang animal shelter.

Suportado si Daniel ng solid fans niya na hindi bumitaw sa kanya.

Nung nakaraang Sabado, April 20, ay nagbigay sorpresa siya sa Child Haus sa Maynila, at napasaya naman niya ang batang cancer patients.

Kahapon naman sa mismong kaarawan niya ay para sa mga hayop, ‘yung mga rescued na mga aso at pusa na inaalagaan sa naturang animal shelter.

Mamimigay raw doon ng mga pagkain at gamot para sa mga aso at pusa.

Ang nakakatuwa rito kay Daniel, talagang nag-effort ang fans niya na pasayahin ang aktor sa kanyang kaarawan.

Bukod sa suportang ibinigay nila sa Community Pawject ni Daniel, may LED Billboard pa silang ipinaskel para batiin ito sa kanyang kaarawan.

Nagkabit sila ng billboard sa EDSA Ortigas, EDSA Cubao, EDSA GMA, Katipunan at sa C5 Libis.

Kaya sana may mababalitaan na tayong project na sisimulan ni Daniel.

Kay Kathryn Bernardo kasi parang may linaw na itong sequel ng Hello, Love, Goodbye na dinig namin ay sisimulan daw nila ang shooting sa Hong Kong at ang kasunod na eksena ay sa Calgary, Canada na.

Teka lang! Binati kaya ni Kathryn si Daniel?

Sachzna, namudmod ng datung sa drag queens!

Napasaya ng kilalang social media influencer na si Sachzna Laparan ang drag queens na nagpe-perform sa isang bar sa Quezon City na Rampa noong nakaraang Linggo.

Naglabas ng kadatungan si Sachzna na ipinamudmod niya sa drag queens na nag-perform doon.

Si RS Francisco ang isa sa may-ari sa Rampa na malapit ito kay Sachzna.

Doon daw nag-celebrate ng birthday ang partner ni Sachzna at sobrang natuwa raw sila sa mga drag queen na nag-perform, biglang tumayo ito ay inabutan ng pera ang bawat performer.

Ang tantiya raw nila ay umabot ng halos P300K ang inilabas na pera ni Sachzna.

“Hindi ko na po binibilang, Basta masaya ako nung time na ‘yun,” pakli ni Sachzna nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules.

Sabi ni RS, matagal na raw nilang ala-alaga si Sachzna sa Frontrow International. Hanggang sa sumikat siyang influencer at malaki na ang kinikita niya na sini-share naman niya sa mga nangangailangan.

Natuwa lang daw siya sa drag performers dahil alam daw niyang mahirap ang ginagawa nila.

Agree si RS sa sinabi ni Sachzna dahil ginawa raw niyang mag-drag nung opening ng Rampa, at ang hirap daw talaga.

Kaya talaga pursigido sila rito sa mga inaalagaan nilang drag performers sa Rampa dahil gusto raw nilang i-elevate ang art of drag performance.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with