^

PSN Showbiz

Kim Dasurv Ang totoong kaligayahan, Xian wish na kumita ang dinidirek na pelikula

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim Dasurv Ang totoong kaligayahan, Xian wish na kumita ang dinidirek na pelikula
Kim Chiu at Xian Lim

Grabe ang init ng panahon. Kakaiba.

Pero ganun talaga. Sanay naman tayo sa init.

Kaya ‘wag nang makisabay ang init ng ulo sa init ng panahon.

Lalo na ‘yung mahihilig sa social media na nagpapaapekto sa mga kaganapan sa kapaligiran na ewan ko b  a naman kung bakit ang daming nakikisakay.

Katulad ng isyu sa girlfriend daw ni Xian Lim. Ano ngayon kung may bagong girlfriend na siya?

Anong big deal dun? Lalaki si Xian at may karapatan siyang ma-in love dahil break na sila ni Kim Chiu pagkatapos ng 12 years nilang relasyon.

Isang line producer ang sinasabing girlfriend ni Xian, si Iris Lee.

Eh ano ngang isyu dun? Ba’t kailangan bigyan ng iba’t ibang kuwento.

Kaya nga pwedeng-pwede na si Kim na mag-boyfriend ng iba. So kung magka-boyfriend si Kim?

Anong isyu?

Kaloka. Talagang nakakagulat na pulos haka-haka na lang ang kuwento kina Kim at Xian na karapatan namang maghiwalay dahil hindi naman lahat ng relasyon sa kasal ang tuloy.

Hayaan na natin sila.

Sinabi na nga nilang mutual decision ang kanilang break up.

Basta ang wish ko kay Kim makatagpo ng totoong kaligayahan at kay Xian naman ay kumita sa takilya ang mga dinidirek niyang pelikula.

‘Yun lang at babu.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

KIM CHIU

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with