^

PSN Showbiz

Paolo, nagsalita sa pagbura ni Yen ng birthday post!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, nagsalita sa pagbura ni Yen ng birthday post!
Paolo Contis at Yen Santos

Natawa na lang si Paolo Contis nang ipinarating ko sa kanya ang ini-scoop ng isang vlogger na tinanggal daw ni Yen Santos ang birthday post sa kanya.

Noong nakaraang Marso ang kaarawan ni Paolo at marami nga ang pumik-ap sa post ni Yen nung binati siya sa kanyang kaarawan.

Pero kamakailan lang ay napansin nilang wala na ang post na iyun at tinanggal na pala ng aktres.

In-assume ng karamihan na hiwalay na talaga sila. Na parang iyun yata ang matagal nang hinihintay ng iba na maghiwalay na sila.

Pero noon pa man ay sinasabi ni Paolo na sorry na lang, hindi totoo ‘yun.

Pinaklaro ko kay Paolo kung ano yung pagtanggal ni Yen ng birthday post sa kanya.

Sabi ng Kapuso actor, matagal na iyung tinanggal ni Yen. Sila pa rin daw at wala raw silang problema.

Aware naman daw siyang tinanggal na iyun ni Yen, at hindi isyu sa kanila iyun.

Ayaw na niya akong sagutin kung bakit tinanggal ni Yen, dahil mas mabuting ang aktres na lang daw ang tanungin.

Ang mahalaga ay okay sila at hindi raw totoong hiwalay sila.

Dalawang linggo lang ang nakaraan ay nagkahiwalay sila dahil nasa Bicol si Paolo para i-shoot ang pelikulang pagsasamahan nila ni Elisse Joson under Mavx Productions pa rin.

Nung nasa Bicol si Paolo ay umuwi raw muna ng Cabanatuan si Yen, dahil wala itong kasama.

Ngayon ay nakabalik na si Paolo, at balik taping na rin siya sa Bubble Gang.

Magiging abala na rin daw siya sa promo ng pelikula niyang Fuschia Libre na magso-showing na sa May 15.

Miguel, gabi-gabi kausap si Ysabel kahit nasa Korea

Naaliw kami sa pilot episode ng Running Man Ph na pinasilip sa nakaraang media conference nito nung nakaraang Sabado. Mapapanood na ang episode na iyun sa May 11.

Hindi pa puwedeng i-share kung ano ang mapapanood sa unang episode nito, pero naaliw kami, lalo na ‘yung pagpasok ng bagong runner na si Miguel Tanfelix.

Kaagad namang nakapag-adjust si Miguel sa  mga dating runner nito.

Hindi siya ang ipinalit kay Ruru Madrid dahil considered pa ring runner ng naturang reality show ang bida ng Black Rider. Kaya pang walong runner na si Miguel.

Ipinaubaya na lang daw niya kung kaagad ba siyang tatanggapin sa grupo, dahil talagang initimidating daw ang closeness nila na nabuo na sa season 1.   “Kinabahan po ako kung papano po ako magfi-fit sa grupo. Kasi ako, may pagka ano ako e, may pagka-introvert. Minsan nahihiya ako kumausap ng mga tao.

“Pinanood ko yung buong season 1, na-intimidate ako sa kanila kung gaano sila ka-close.

“Iniisip ko kung papano ako papasok sa grupo nila. Pero bago lumapag ng Korea, nasa eroplano ako nun, sinabi ko sa sarili ko na ‘bahala na lang!

“Basta, kung ano ang mangyari sa Korea, bahala na si Batman.

“Buti na lang naging very welcoming sila sa akin. Kaya, at least naging masaya yung 42 days,” saad ni Miguel.

Pero nung pinanood niya ang pilot episode pa lang ng Running Man Ph, sobrang satisfied daw siya at natuwa siyang naging maganda ang kinalabasan ng naturang programa.

Nai-reveal naman kung sino pa ang mga sumalang na guests, pero ang isa pala sa ini-expect ni Miguel ay  si Ysabel Ortega. Pero hindi naman nangyari. Nagulat nga raw siya nang dumating si Bianca Umali na nag-guest sa kanila. Kaya hopia siya kay Ysabel, pero wala nga.

Tuluy-tuloy naman daw ang komunikasyon nila ni Ysabel. Hindi niya nakaligtaang tawagan ang Kapuso actress gabi-gabi.

Ngayon lang daw sila nahiwalay ng ganun katagal at maganda rin daw na na-experience nila iyun.

“Nalungkot po. Pero sabi ko naman po kay Ysabel na challenge din yun sa relationship namin kung kaya namin maging LDR. Kasi may mga relationships na strong lang sila pag nakikita nila ang isa’t-isa. Pero pag matagal na nahiwalay parang mahina.

“So, ako excited akong i-take yung challenge na iyun bago ang lahat. Na-experience na namin yun,” sabi pa ni Miguel.

Kahapon ay nagsimula uli ang pagbabalik ng Voltes V na nasa afternoon slot na pagkatapos ng Lilet Matias.

vuukle comment

ACTOR

PAOLO CONTIS

SINGER

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with