^

PSN Showbiz

Kasal ni Andi, pinagpaliban para sa puso ni Philmar!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Kasal ni Andi, pinagpaliban para sa puso ni Philmar!
Philmar Alipayo at Andi Eigenmann
Andi Eigenmann via Instagram story

Bukod kay Angelica Panganiban na nagka-wedding rites na this year, nakaplano rin palang magpakasal si Andi Eigenmann ngayong taong ito sa partner na si Philmar Alipayo.

Balitang ipinagpaliban muna ito. May kinalaman kaya ang pagkakasailalim lang ni Philmar sa isang transesophageal echocardiogram procedure?

Kung anuman, kailangang maayos muna nila ang kanilang personal concerns bago magpakasal.

Aabangan natin ‘yan!’

Gary V, inaabangan ang major major impact sa concert!

Exciting ang magiging 40th Anniversary Concert ni Gary V. na One Last Time simula mamaya.

Alam naman natin si Gary V., buwis-buhay lagi ang ginagawa niyang acts – at laging may tama sa puso sa huli.

Parehong si Paolo Valenciano ang may gawa ng concerts nila Regine Velasquez na Regine Rocks at heto ngang sa tatay niya.

Ang tanong, kanino kaya ang mas bongga lalabas?

Iba naman ang istilo nila at audience, pero ano kaya ang mas may major major impact? Basta susuportahan natin lahat, lalo na ang OPM!

Cris Villonco, naalala sa bagong look ni Kim

May bagong look pala si Kim Chiu, maganda at bagay sa kanya – pero bakit siya nagmumukhang Cris Villonco?

Totoo ba ang bulung-bulungan tungkol sa kanila ni Atty. Oliver Moeller?

Sana naman hindi si Kim Chiu ang susunod sa sad girl era ni Angge.

Ice, nag-react sa pagkahilera sa kababaihan?!

Best Female Recording Artist si Ice Seguerra for the song Wag Ka Nang Umalis for the 14th Star Awards for Music, samantala, Best Female Concert Artist naman siya para sa Becoming Ice: 35th Anniversary Concert niya the other year.

Ano kaya ang feeling ni Ice sa pagkaka-categorize sa kanya sa Female Category?

Siguro kung si G3 San Pedro ‘yan, nakatanggap ang kinauukulan ng lecture tungkol sa gender identity and related matters.

Nakakatuwa ang effort ngayon na maging politically correct, ‘di ba?

Nakakata-quote:

“And just like that he is moving up to junior high school. Nakakaiyak. Fly high my son. Love you so much.” – Ogie Alcasid to his son Nate

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with