^

PSN Showbiz

Angeli, umay na sa indecent proposals!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Angeli, umay na sa indecent proposals!
Angeli Khang

Aminado ang sexy star na si Angeli Khang na marami siyang natatanggap na indecent proposals.

Sinabi nga niya na nakatatanggap siya ng mga mensahe sa kanyang social media account na kung minsan pinadadaan pa ng mga ito sa kanyang mga kaibigan.

Apektado raw siya hanggang ngayon kasi minsan naiisip niya na hangga’t sinusunod niya ang payo ng ina na kung wala siyang tinatapakang tao at mahal niya ang ginagawa niya ay ipagpatuloy lamang niya ang ginagawa.

Si Angeli ang pinakabagong Black Rider star sa seryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Pero bago iyon ay mas nakilala siya sa kanyang sexy movies sa Vivamax.

Nasasaktan nga raw siya tuwing may nakikita siyang mga ganung issue. Kinukuwestyon niya na dahil ba nagsimula siya sa ganung karera kaya ganun na lamang ang ginagawa at tingin sa kanya ng ibang tao?

At totoo raw bang pinagseselosan siya ng mga asawa at jowa ng mga ito.

Noong una, tuwing makakatanggap daw siya ng mga ganung klaseng mensahe ay sinasagot niya at sinasabing hindi niya ginagawa ang mga ganun pero ngayon ay napagod na rin siya na paulit-ulit na lamang kaya dedma na siya ngayon.

Dingdong, napa-boom sa sayaw ni Marian!

May bago na naman palang TikTok dance trend at nilabas nga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanyang dance steps.

Bongga nga ang misis ni Dingdong Dantes sa dance choreo para sa kanta ng Ben&Ben na Could Be Something.

May pinauso na naman ang Rewind actress at caption nito, “Eto na ang bago kong DC sa inyo… tag nyo ako ah.”

Suportado nga siya ng kanyang mister at napakomento ito ng “Boom!” na may clapping emoji pa.

Komento rin ng netizen ay ang bilis daw talagang kausap ng nanay nina Zia at Sixto, challenge accepted daw agad.

 Ito ay matapos daw siyang i-challenge na gumawa ng dance steps na may Marimar twist at heto na nga may bago na naman siyang pasabog.

Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

ANGELI KHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with