^

PSN Showbiz

Deniece, nag-iba ang hitsura sa mugshot!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Deniece, nag-iba ang hitsura sa mugshot!
Deniece Cornejo

Inihatid na sa New Bilibid Prison si Cedric Lee nung Biyernes ng gabi at dumaan siya sa mga procedure at requirement na dapat pagdaanan bago  ipasok sa selda.

Ayon sa press release ng NBP, tinanggap daw siya ng mga official ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison Reception and Diagnostic Center.

Kasama niya ang isa pang akusado na si Simeon Raz na may numerong N224P-2079, at Lee naman ay N224P-2117.

Si Deniece Cornejo naman ay nasa Correctional Institution for Women na may prison number C224P-172.

Sabi ni Bucor Director General Catapang, ‘yun ang standard operating procedure, mamalagi muna ng limang araw sa RDC Quarantine Cell, walang visiting privileges at dapat na sumunod sa diagnostic procedure kagaya ng medical, sociological, psychological at educational at may 55 days na clarification process.

Ang hinihintay na lang ngayon ay ang at large pang si Ferdinand Guerrero.

Sa NBI sumuko si Cedric kaya naglabas ang Taguig Regional Trial Court ng commitment order para dalhin na sa NBP si Cedric.

Dapat ay NBI muna siya sa Taguig RTC nung Biyernes, pero tumaas daw ang blood pressure nito, kaya ang taga-NBI na lang ang kumuha ng commitment order.

Marami ang nagulumihanan sa mugshot ni Cedric na nakangiti. Ano raw kaya ang nasa isip ni Cedric na ngiting-ngiti mula nang sumuko sa NBI hanggang sa mugshot niya sa NBP.

Si Deniece naman ay pinagdudahan ng netizens ang mugshot na parang ang layo na raw ng mukha sa huling kuha sa kanya, nung binasahan sila ng hatol.

Maaring dahil sa stress at hindi na naka-make up kaya ang layo na nito sa itsura niya ‘pag nakaayos.

Sinubukan din naming hingan ng pahayag si Vina Morales kaugnay sa anak nila ni Cerdric Lee.

Naikuwento sa amin ni Vina noon na okay na sila ni Cedric para sa kanilang anak.

Madalas ngang nahihiram ni Cedric ang anak nila dahil gusto lang niyang makikita ng kanilang anak na buo ang kanyang magulang.

Nagpaalam kami sa handler ni Vina kung puwede namin siyang makapanayam, pero nasa out of town singing engagement daw ang singer/actress.

MMFF 2024, kinakarir ng malalaking artista!

Kaabang-abang itong 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil malalaking artista talaga ang kasali sa mga pelikulang isusumite.

Nag-announce na si Vice Ganda na gagawin nila ni direk Jun Lana ang And The Breadwinner Is…

Kung kakayanin sa deadline, balak ding isali ni Sen. Bong Revilla ang Birador: Alyas Pogi 4 na ang dami ring big stars na kasali.

Ang latest na narinig namin ay kasado na raw ang pelikulang pagsasamahan nina Vilma Santos at Judy Ann Santos.

Isang independent producer daw ang magpo-produce nito, at si direk Chito Roño ang magdidirek, at si Chris Martinez ang magsusulat. Ang isa pang inaayos na sana matuloy ay may partisipasyon din daw sa movie project na ito si Charo Santos.

Kung matutuloy, talagang ‘todos los Santos’ ang movie project na ito.

Si Judy Ann ang pinaka-excited sa proyektong ito, dahil ngayon pa lang niya makakasama sa pelikula si Ate Vi. Nakatrabaho na ni Judy Ann sina Nora Aunor, Sharon Cuneta at Maricel Soriano.

Kinumpirma rin ng isang mabait na film producer na may gagawin siyang isang magandang family drama at baka pababalikin dito si Hilda Koronel.

Kaabang-abang din ito at exciting itong darating na MMFF kapag matuloy itong mga nabanggit na movie project.

Ang dinig namin marami-rami ang horror films ang isusumite. Medyo madugo at baka kapusin sa araw kapag gagawa ng isang historical film.

vuukle comment

DENIECE CORNEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with