^

PSN Showbiz

Darren, pinag-interesan si Jillian!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Darren, pinag-interesan si Jillian!
Darren Espanto at Jillian Ward

Mayroong mga espekulasyon mula sa mga tagahanga na posibleng opisyal nang magkarelasyon sina Darren Espanto at Cassy Legaspi bilang magkasintahan.

Ayon naman sa singer-actor ay talagang matalik na magkaibigan lamang sila ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi mula noon pa man. “Makulit sila, sabi ko best friends lang kami eh. Best friends lang talaga. It’s something a lot of people won’t get. Hindi ko alam paano i-explain pero siyempre nando’n ang pagmamahal namin sa isa’t isa,” paglilinaw ni Darren sa ABS-CBN News.

Sa ngayon ay hindi pa umano nakikita ng binata na hihigit pa sa isang magkaibigan ang turingan nila ni Cassy. “No, not right now,” giit niya.

Samantala, noong Sabado ay nagsimula nang mapanood sa GMA network ang It’s Showtime kung saan kabilang si Darren sa mga host.

Laking-gulat ni Darren nang mag-trending sa social media ang pangalan nila ng Kapuso actress na si Jillian Ward.

Nagkapareha sina Darren at Jillian para sa Karaokids segment ng programa. “Nagulat din ako trending pangalan namin ni Jillian. May mga ships na. She’s very chill. Nag-uusap na kami, nag-iisip ng collaboration in the future saka kung papayagan kung pwedeng tumawid,” pagtatapat ng singer-actor.

Vina, napatawad na ang ex

Siyam na taong gulang pa lamang noon si Vina Morales nang sumabak sa show business. Malaki ang pasasalamat ni Vina sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang ginagawa sa halos apat na dekada. “I’m thankful that I’m still here in this business. Marami rin akong pinagdaanan bago ko marating kung ano man ang meron ako ngayon,” nakangiting bungad ni Vina.

Bilang isang single mom ay talagang kinakaya raw ni Vina ang lahat ng tungkulin para sa anak na si Ceana.

Maglalabinglimang taong gulang na ngayon ang dalagita. Ang tanging pangarap ni Vina para sa anak ay makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan. “My first priority is my daughter. My life is different from hers, iba ang buhay na kinalakihan ko sa buhay na kinalakihan niya. Every day is a blessing and a challenge. Kapag may trabaho ako, hindi ko kayang hatiin ‘yung katawan ko. Mahirap man pero nagagawan ng paraan. Kapag mahal mo naman ‘yung tao gagawa at gagawa ka ng paraan. I’m happy kung ano ‘yung mga nagawa ko para sa anak ko at para sa pamilya ko,” pagbabahagi ng aktres sa YoutTube channel ni Luis Manzano.

Maayos nang muli ang komunikasyon ngayon sa pagitan ni Vina at dating kasintahang si Cedric Lee. Magkatuwang na sa mga tungkulin ang dating magkasintahan para sa anak nilang si Ceana. “The father of my child has been supportive. Even naman before, marami lang mga kaganapan. Now we’re co-parenting. After the pandemic, ‘yung naging realization ko was sayang naman ‘yung oras. Nag-aaway kayo for nothing. Ang importante naman is ‘yung anak n’yo. Minahal natin ‘yung anak natin. You just have to forgive. Everyone has go through that for you to become a better person,” makahulugang pahayag niya. — Reports from JCC

vuukle comment

DARREN ESPANTO

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with