^

PSN Showbiz

Atom, muntik maging aktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Atom, muntik maging aktor
Atom Araullo
STAR/File

Muntik na palang maging aktor ang broadcaster na si Atom Araullo.

Bago pa raw siya maging batikang journalist at broadcaster, muntik na raw lumabas bilang aktor ang 24 Oras anchor.

Pero hindi raw pala siya komportable sa idea na pagiging artista.

Binahagi niya na high school pa lang siya nang imbitahan siya sa isang audition para sa isang teleserye. Hindi na raw niya maaalala kung anong teleserye iyon pero kahit noon pa man, hindi raw talaga siya komportable.

Sobrang mahiyain daw kasi siya, kahit pa may karanasan na siya sa theater acting, hindi pa rin daw niya maisip na gawin iyon.

Tuwing pinapanood niya ang buhay ng mga artista, pakiramdam daw niya ay hindi rin niya kakayanin iyon.

Aminado naman siya na naging interesado siya sa showbiz, pero mas nangibabaw sa kanya ang kagustuhang makatapos ng pag-aaral. Kahit sinabi niyang baka i-pursue na lang niya ito ‘pag nakatapos na siya sa college pero hindi na rin siya ever bumalik.

Bata pa lang siya alam na niyang introvert siya pero tingin niya lahat ng tao ay may introverted and extroverted tendencies. Kaya natutunan din niyang makisalamuha sa mga tao dahil sa trabaho niya bilang isang reporter.

Boy, ‘di nakakaramdam ng pagod

Talagang panahon ngayon ni Boy Abunda. Everyday mo siyang napapanood sa Fast Talk with Boy Abunda, tapos may mga special pa siya sa weekends na My Mother, My Story.

Talagang ginagawa ni Boy ang gustung-gusto niyang trabaho kaya enjoy na enjoy siya at wala siyang nararamdaman na pagod.

Mukha ngang enjoy na enjoy siya lalo pa at suot niya mga outfit na talaga namang out of this world kung minsan na siya lang puwedeng magdala and get away with it.

Bongga ang taste niya pagda­ting sa mga isusuot niya sa kanyang show kaya inaabangan ito. Kaya naman dalawang bagay ang aabangan mo, ang interview niya at ang suot niya.

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with