^

PSN Showbiz

Ate Guy, kailangan ng sponsors para makalipad sa Cannes!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy, kailangan ng sponsors para makalipad sa Cannes!
Nora Aunor
STAR/File

Totoo bang hindi pa raw sigurado ang ating National Artist Nora Aunor kung makakapunta siya sa Cannes Classic screening ng kanyang pelikulang Bona?

Mukhang naghahanap pa raw siya ng sponsors na sasagot ng gastos sa kanyang trip?

Ilan ba silang lilipad sana para sa Bona? Bilang producer at aktres – at National Artist, sana nga ay makalipad si Ate Guy bilang kinatawan ng classic na pelikulang Bona ng Metro Manila Film Festival 1980.

Claudine, ayaw tantanan si Raymart

Consistently in the news pa rin si Claudine Barretto after her gues­ting sa vlog ni Ogie Diaz.

Ngayon, meron naman siyang movie with Daiana Menezes with a new producer. After Loyalista and When Magic Hurts, ito na kaya ang makakapagbigay ng premium kay Claudine bilang Optimum Star?

Marami pang tanong: Kailan kaya niya tatantanan ang pagbanggit kay Raymart Santiago at ang bago nitong karelasyon?

May plano pa ba siyang tumakbo sa pulitika pagkatapos niyang mabigo noong huling eleksyon sa Olongapo?

At sa ganda ng itsura niya ngayon, tanong ng fans, nag-Ozempic ba siya?

Nova, nagka-lovelife pa!

So, sino nga ang pumatay kay Divine sa Can’t Buy Me Love?

Naipalabas na ang finale episode sa Netflix, habang nag-aabang na ang mga tao sa free TV kung sino ang salarin.

Parang hindi mahulaan ng viewers ang tamang taong pumatay.

Ang galing ng hook ng show na ito.

One thing is sure, matutuwa sila sa ending ng character ni Tita Nova Villa na may sariling lovelife.

Concert ni Cecile Azarcon, discounted na ang ticket!

10% off na ang tickets sa Cecile Azarcon concert sa The Theater Solaire – thinking na mas nauna itong nag-promo sa mga kapanabayang concerts, parang ito ang napag-iwanan ng Regine Velasquez, Gary V. at Mr. C (Ryan Cayabyab) concerts, pati na yung kay Ice Seguerra, to think na ang major ang stars na kasali rito like: Kuh Ledesma, Janno Gibbs, Jam Morales, Fe de los Reyes, Jackielou Blanco, Mark Bautista, Timmy Pavino and Isabella Gonzales.

Also up to share in the celebration are Martin Nievera, Iwi Laurel and Nicole Asensio on May 24 and Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla and Katrina Velarde on May 25.

May time pa namang mag-promote pagdating ni Cecile dito sa Pinas this weekend. Pi-pick up kaya ang ticket sales? Sana!

Asi at Gary, nagpakitang gilas sa ballroom dancing!

May bagong career na ba sina Asi Taulava at Gary David as ballroom dancer?

Ang galing nila sa pagsayaw sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet Program. Level SEAGames ang opening at parada!

At mukhang hindi na lang City of Beautiful People ang Ormoc, mukhang magiging Sports Capital din dahil nandun ang kanilang Congressman na athlete na si Richard Gomez!

Parang ang dami na talagang celebrations doon pati na ang Pinya Festival at Festival of Lights, ‘di ba?

Nakakata-quote:

“I don’t want the pain to go. I want to bear the pain. because it is the physical connection I have with my mother.” – Boy Abunda tungkol sa kanyang coping sa pagpanaw ng kanyang ina

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with