^

PSN Showbiz

First kiss ng KimPau, trending online!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
First kiss ng KimPau, trending online!
Paulo Avelino at Kim Chiu
STAR/File

Nagpaulan ng kilig sina Kim Chiu at Paulo Avelino matapos mag-tren­ding online ang kanilang first kiss sa What’s Wrong With Secretary Kim ng ABS-CBN at Viu.

Damang-dama ng mga manonood ang pangmalakasang chemistry ng KimPau kaya agad na nag-trending sa X ang #WhatsWrongWithSecretaryKimPH, KIMPAU WWWSKEP26, #KimPauOnViu, at #KimChiu nang ipalabas ang episode noong Mayo 8 (Miyerkules).

Hindi na nabitin ang fans sa pagpapakilig nina Sec. Kim (Kim) at BMC (Paulo) dahil sa wakas ay nasaksihan na nila ang matamis at makahulugang halik ng dalawa. Itinodo na rin nila ang nararamdaman para sa isa’t isa dahil ginawa na nilang opisyal ang kanilang relasyon.

Natuwa rin ang fans dahil hindi lang isa kundi dalawang halik ang napanood sa episode pagkatapos mag-good night kiss ni BMC kay Sec. Kim.

“Hindi ako huminga the whole time. It was tasteful, classy, gentle and full of emotions,” komento ng netizen na si @tyrielle.

“Grabe akala ko mauudlot na naman, sumasakit na nga Ang dibdib ko pag di natutuloy. Anong meron kayo kimpau at halos mabaliw na kami sa inyo! Senior na super kilig pa rin ang nararamdaman ko! Teenager lang ang peg!!! I can’t wait for the next episode,” sabi ni @nprangelo.

Tuluy-tuloy rin ang kilig online matapos mag-post ang Viu ng behind-the-scenes photos at videos ng KimPau habang nasa set.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with