^

PSN Showbiz

Barbie, nag-artista para sa awards

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, nag-artista para sa awards
Barbie Forteza
STAR/File

Labinglimang taon nang aktibo si Barbie Forteza sa show business. Marami nang nagawang proyekto ang aktres sa loob ng isa’t kalahating dekada.

Para kay Barbie ay mas gusto niyang gumawa ng isang serye kaysa sa isang pelikula. “Mas nasanay ako sa teleserye kasi wala ako masyadong movie. So hindi ako masyado nasanay sa disiplina ng paggawa ng pelikula. Kasi kapag teleserye mas sanay ako 30 sequences a day. Tapos mabilisang shoot lang. Kapag pelikula kasi kaunti lang eksena pero paulit-ulit kasi maraming anggulo. So ‘yung emotions hindi pa ako ganoon kasanay na mahabaan to get that level of emotions again and again para maging raw ulit. Mas sanay ako sa mabilisan tapos move on na,” paliwanag ni Barbie sa YouTube channel ni Kim Chiu.

Aminado ang Kapuso actress na talagang pinag­huhusayan niya ang bawat trabahong ginagawa upang magkaroon ng award. “Siyempre awards kasi para sa sarili mo ‘yon eh. Nakalagay ‘yung pangalan mo doon sa trophy. At saka ‘yon naman talaga ‘yung dahilan kung bakit gusto ko mag-artista. Gusto ko talaga ng awards. Gusto ko maging actress talaga,” giit niya.

Samantala, sa susunod na buwan ay magpipitong taon nang magkasintahan sina Barbie at Jak Roberto.

Ayon sa dalaga ay maraming isyu na rin ang nalampasan nila ng Kapuso actor. “Ayun lang naman pero hindi naman ako naaapektuhan. Gusto ko lang maging self-aware. Tapos minsan kapag magaganda ‘yung mga nababasa ko, nakaka-boost naman. Kapag pagod ka na ay worth it pala mapagod kasi ganito ‘yung sinasabi nila,” paglalahad ng Kapuso actress.

KD, may nerbyos sa concert nila ni Aleaxa

Mangyayari na sa May 31 ang pinakahihi­ling ng mga tagahanga nina Alexa Ilacad at KD Estrada ang kauna-unahan nilang face-to-face concert. Gaganapin ang Add to Heart, KDLEX concert sa Music Museum.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng aktor ngayong makakapiling na ng personal ang mga sumusuporta sa kanilang tambalan ni Alexa. “I’m nervous, I’m not gonna lie, but we are very happy because these fans mean the world to us. And just being more intimate with them is gonna be really nice,” nakangiting pahayag ni KD.

Sobrang saya naman ni Alexa dahil matutupad na ang matagal na nilang pinapangarap ng aktor para sa mga tagahanga ng tambalang KDLex. “I’m very excited. I’m so pumped. They have been wishing for this for a long time. They have been praying for us because we’ve been dubbed as the hottest musical pair. So finally, we have a concert,” pagbabahagi naman ni Alexa. (Reports from JCC)

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with