^

PSN Showbiz

Martin, walang planong pakasalan ang karelasyon!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Martin, walang planong pakasalan ang karelasyon!
Martin Nievera at Anj del Rosario
STAR/File

MANILA, Philippines — May konting inggit ang fans nina Sharon Concepcion at Gabby Concepcion sa fans nina Martin Nievera at Pops Fernandez dahil sina Martin at Pops, patuloy na nakakapag-concert ng walang problema. Gaya nito, may series of shows sa USA at tiyak na hindi ito ang magiging last concert ng dating mag-asawa.

Billed Concert King & Queen ang US concert tour nina Martin at Pops sa June at produced ng Star Media Entertainment. Pinost ni Martin ang poster ng concert at may caption na “Always a pleasure to share the stage with the concert queen.”

Dagdag pa nito, “@popsfernandezofficial and thank you Ana Puno of @starmediaentertainment for putting this poster of all three shows together. Very nice of you.”

May mga request na dalhin ang concert sa ibang bansa.

Pinost din pala ni Martin ang photo ng girlfriend na si Anj del Rosario na may heartwar­­ming caption. Itinaon ni Martin ang pag-post ng photo with his GF noong International Women’s Day.

“To the woman who holds my heart! @anj_dr you are the woman of my dreams! #happyinternationalwomensday.”

May nagtanong kung kasal na sila ni Anj at may nag-comment pa ng “Then marry her.” Baka mamaya, gulatin na lang tayo ni Martin at yayain na ngang pakasal si Ms. Anj.

Abang-abang lang tayo, mga beshie!

Gabby, naudlot ang bakasyon

Dapat pala magta-travel sina Gabby Eigenmann at ang kanyang pamilya this Holy Week na naging tradisyon na nila every week. Kaya lang, dahil sa mga nangyari kabilang ang pagpanaw ni Jaclyn Jose, hindi muna sila umalis ng bansa.

Ang balak nina Gabby, after Holy Week na sila magbakasyon. “Ang dami kasing nangyari at hindi na kami nakapag-book. But we make plans after Holy Week,” sabi niya sa mediacon ng My Guardian Alien.

Tama rin lang na hindi muna sila umalis dahil nagpu-promote sila ng series na comeback series ni Marian Rivera sa GMA 7. Reunion din ito nina Gabby at Marian at ang kakaiba, hindi kontrabida ang role niya.

Gagampanan niya ang role ni Dr. Ceph, a psychiatrist and good friends of Carlos (Gabby Concepcion) at eere na ang series simula sa April 1, 8:50 p.m..

Pinost ni Marian sa Instagram ang photo nila ni Gabby at may caption na “Through countless chapters and plot twists, he’s been the villain in my story, but a loyal friend in real life.”

Nadine, hindi bakas ang bacne

Nakakatuwa ang comment patungkol sa likod ni Nadine Lustre na naka-post sa Instagram nito. Mas makinis pa raw ang likod niya kesa face niya na totoo namang makinis ang likod ng aktres. May napa-comment pa na kahit likod, naggu-glow.

Sabi naman ng isa, gusto niya ang likod nito dahil walang bacne at may mga gagaya naman sa kanyang pose at ipo-post din nila sa social media.

Naka-flex ang makinis na likod ni Nadine dahil nag-promote siya ng isang brand ng jewelry at sa halip na sa harap ng leeg niya ilagay ang necklace, sa likod niya isinuot.

Ang nangyari, hindi lang ang necklace ang na-promote ni Nadine, pati ang flawless niyang likod.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with