^

PSN Showbiz

Paulo to the rescue… Ivana, nakipagsabunutan sa mga tindera!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paulo to the rescue� Ivana, nakipagsabunutan sa mga tindera!
Paulo at Ivana
STAR/File

Umani ng million views ang prank ni Ivana Alawi kay Paulo Avelino kung saan ay nakipag-away siya sa mag-lolang tindera ng damit.

Sa latest vlog ni Ivana ay ginawa nila ni Paulo ang P1,000 tiangge challenge kung saan mamimili sila ng damit sa tiangge na ang budget limit ay P1,000. Pero hindi alam ng aktor na ang pinaka-highlight ng vlog ay ang prank sa kanya.

Mapapanood sa video na tumatawad nang tumatawad si Ivana na umaabot nga sa kalahati ang kanyang pagtawad hanggang sa kunwari ay naaasar na ang mga tindera sa kanya.

Sinusubukang mamagitan ng aktor sa tuwing magkakainitan na sila hanggang sa umabot na nga sa sabunutan.

Sinabunutan ng kunwaring mag-lola ang actress/vlogger.

Acting na acting naman si Ivana para hindi mahalata ni Paulo ang prank sa kanya.

In fairness, doon nakita ang kabaitan ng aktor. Panay ang paalala niya kay Ivana na huwag na lamang patulan ang dalawa dahil nga senior na ang isa.

Panay rin ang sabi niya sa lola na mag-relax ito dahil baka mapaano pa ito.

Nang magkasabunutan na ay talagang pumagitna na si Paulo sa dalawang kampo at super awat siya.

Nang i-reveal na “it’s a prank” ay doon na nahimasmasan si Paulo. Napa-“Oh my God,” siya nang paulit-ulit. Aniya ay naniwala raw talaga siya na tinawanan naman nina Ivana at gumanap na mag-lola.

vuukle comment

IVANA ALAWI

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with