^

PSN Showbiz

Columbia Business School MBA students, sinilip ang hamong hinaharap ng ABS-CBN

Pilipino Star Ngayon
Columbia Business School MBA students, sinilip ang hamong hinaharap ng ABS-CBN
Sa kanilang pagbisita sa ABS-CBN, nalaman ng mga mag-aaral kung paano naging global storytelling company ang kumpanya mula sa pagiging broadcasting network nito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Lumipad mula New York City patungong Manila ang ilang MBA students ng Columbia Business School para bumisita sa iba’t ibang kumpanya sa bansa kabilang na ang ABS-CBN bilang bahagi ng kanilang MBA subject na Global Immersion: Philippines: Asia’s Rising Tiger.

Sa kanilang pagbisita sa ABS-CBN, nalaman ng mga mag-aaral kung paano naging global storytelling company ang kumpanya mula sa pagiging broadcasting network nito.

Kasama ang kanilang guro na si Prof. Medini Singh, nagkaroon ng makabuluhang talakayan ang mga MBA student kasama sina ABS-CBN management consultant Raymund Miranda, head of news Francis Toral, at head of corporate communications Kane Errol Choa tungkol sa mga pagbabago sa ABS-CBN sa kabila ng mga hamon na pinagdaraanan nito mula noong 2020.

Pagkatapos ng learning sessions, nanguna ang ABS-CBN Corporate Communications team sa pagbibigay sa mga mag-aaral at kay Prof. Singh ng studio tour, kung saan naging bahagi sila ng live studio audience ng It’s Showtime. Nakapanood din sila ng live newscast ng Dateline Philippines ng ANC.

“Our students will benefit much from this visit to the Philippines, and getting an unvarnished look into the situation that media is fa­cing,” ani Prof. Singh.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with