Tulak arestado sa P1.3 milyong shabu sa buy-bust
![Tulak arestado sa P1.3 milyong shabu sa buy-bust](https://media.philstar.com/photos/2025/02/08/ss_2025-02-08_00-18-18.jpg)
LUCENA CITY, Philippines — Arestado ang isang tulak matapos na makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa Barangay Ibabang Iyam, sa lungsod na ito kamakalawa.
Ayon kay PLt. Col. Dennis De Guzman, Chief of police dito, huli sa akto ang suspek na si alyas “Atan”, 33-anyos, residente ng Pagbilao, Quezon, habang nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer.
Narekober sa suspek ang mahigit 68 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ?1,300,000, isang coin purse at buy-bust money.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
- Latest