^

Probinsiya

10 pulis na nakahuli sa pumatay sa resort owner, pinuri ng Napolcom

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
10 pulis na nakahuli sa pumatay sa resort owner, pinuri ng Napolcom
“Pinupuri ko ang 10 operatiba ng CIDG at lokal na pulisya sa serbisyo ng warrant kung isasaalang-alang na mayroon man o walang gantimpala na matagumpay nilang naipapatupad ang batas at ang pangangasiwa ng hustisya sa pamamagitan ng wastong serbisyo ng mga utos ng korte,” sabi ni Atty. Owen De Luna, Napolcom-Calabarzon regional director, kahapon.
STAR/ File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines —  Pinuri ng National Police Commission (Napolcom)-Calabarzon ang 10 pulis sa kanilang walang sawang pagsisikap na dakpin ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang may-ari ng resort sa bayan ng Bauan, Batangas, noong Hunyo.

“Pinupuri ko ang 10 operatiba ng CIDG at lokal na pulisya sa serbisyo ng warrant kung isasaalang-alang na mayroon man o walang gantimpala na matagumpay nilang naipapatupad ang batas at ang pangangasiwa ng hustisya sa pamamagitan ng wastong serbisyo ng mga utos ng korte,” sabi ni Atty. Owen De Luna, Napolcom-Calabarzon regional director, kahapon.

Nagpahayag din si De Luna ng kanyang pasasalamat kay Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Ilagan sa pagbibigay ng kanyang monetary incentives sa mga magbibigay ng impormasyon para sa kinaroroonan ng mga akusado sa ating mamamayan.

“Ipinapakita nito na ang ating komunidad ay nakikipagtulungan sa ating mga alagad ng batas para sa pag-iwas at solusyon sa krimen. Itinataas nito ang moral ng ating PNP at pinananatiling mataas ang tiwala at kumpiyansa ng ating komunidad na kanilang pinaglilingkuran at pinoprotektahan,” pahayag ni De Luna.

Magugunita na inaresto ng pinagsanib na ope­ratiba ng CIDG-Batangas at Bauan Police ang suspek na si Rolando Mauro alyas “Lando”, sa Barangay Sto. Niño, Calapan City, Oriental Mindoro noong Sabado matapos siyang (suspek) magtago ng halos anim na buwan sa iba’t ibang lugar sa Oriental Mindoro.

Si Lando ay positibong kinilala bilang pumatay sa isang may-ari ng resort na si Carmen Maranan, na ang bangkay ay natuklasan ng kanyang anak na duguang nakahandusay sa kanilang resort sa Barangay Durungao matapos hampasin ng flower vase sa kanyang sopa.

NAPOLCOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with