^

Probinsiya

2 motor nagsalpukan: 1 dedo, 2 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 33-anyos na rider habang dalawa pa ang sugatan sa naganap na salpukan ng dalawang motorsiklo kamakalawa sa kahabaan ng Arnaldo Highway at Mayor’s Drive, sa Barangay Santiago, Gen.Trias City.

Kinilala ang nasawi na si Heherson Suyat Pagaduan, 33-anyos, isang cook, at residente ng Tropical Village, Pabahay, Barangay San Francisco, Gen. Trias City, Cavite.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang driver at angkas na nakasalpukan nito na kinilalang sina Alexander Solis, 63, carinderia owner, at Monaliza Semillano, 50, vendor; kapwa ng Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:45 ng mada­ling araw habang bumabagtas ang Honda Click 125 motorcycle (806-NVT) lulan ang biktima, nang pagsapit sa intersection ng Arnaldo Highway, ay bigla itong sinalubong at sinalpok ng motorsiklong Skygo SG150R (329-DYO) na minamaneho ni Solis.

Sa lakas ng salpukan, kapwa tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo at minalas na mapuruhan sa ulo si Pagaduan na idineklarang dead-on-arrival sa Gen. Trias Maternity and Pediatric Hospital.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with