^

Probinsiya

11 malalakas na kalibre ng baril samsam sa Maguindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labingisang loose firearms na pawang malalakas ang kalibre ang nasamsam ng tropa ng militar matapos na abandonahin ng lawless armed groups sa hangganan ng Brgy. Pimbalakan at Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao del Sur kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Udgie Villan, Commanding Officer ng Army’s 33rd  Infantry Battalion, kasalukuyan silang nakikipagpulong sa mga residente sa gymnasium ng Tukanalipao  nang isang concerned citizen dito ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa mga inabandonang armas.

Sinabi ni Villan, agad silang nagsagawa ng operasyon sa kinaroroonan ng mga sinasabing inabandonang armas mula sa grupo ni Zainodin Kiaro, lider ng lawless sa lugar hanggang sa marekober nila ang mga ito.

Kabilang sa mga nasamsam ay  tatlong Cal. 30 sniper rifle, dalawang grenade launcher, dalawang M16A1 Rifle, isang cal. 50 Sniper Rifle, isang cal. 30 Garand Rifle, isang M14 Rilfe at isang cal. 30 Carbine M1.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 73 loose firearms ang nakum­piska mula sa Joint Army-PNP Law Enforcement Operation simula nitong nakaraang linggo.

LOOSE FIREARMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with