^

Probinsiya

Engineer ng munisipyo, driver sugatan sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Sugatan ang isang inhin­yero sa provincial government ng Maguindanao del Sur at kanyang driver sa isang ambush sa Isulan, Sultan Kudarat nitong umaga ng Lunes. 

Sa hiwalay na pahayag ng Isulan Municipal Police Station at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office isang oras matapos ang insidente, agad na naisugod sa isang hospital ang mga sugatang sina Engineer Esmael Amaroden Sangki at ang kanyang driver na si Asmodin Abitan Amelon upang malapatan ng lunas.

Sa inisyal na ulat ni Lt. Col. . Julius Malcontento, hepe ng Isulan Municipal Police, sakay ng isang pickup truck ang dalawang biktima nang tambangan ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Bragay Kalawag II, sentro ng Isulan. 

Mabilis na nakatakas ang nag-ambush kina Sangki at Amelon, ayon kay Malcontento.

Sinabi naman ng Police Regional Office-12 na magtutulungan ang mga imbestigador ng Isulan Police at mga local executives sa naturang bayan sa pagkilala sa mga suspek.

AMBUSH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with