^

Probinsiya

Davao City ‘di ligtas sa drug syndicates - Barbers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Kahit balwarte ni ex- President Duterte

MANILA, Philippines — Ultimong ang Davao City kung saan naninirahan ang number 1 enemy ng illegal na droga sa bansa ay hindi ligtas sa pamamayagpag ng mga sindikato ng illegal drug syndicates.

Ito ang inihayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na hindi itinago ang pagkadismaya sa report na nasa 37 personnel mula sa Davao City’s Public Safety and Security Office ay nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga.

“Even Davao City where the number one enemy of illegal drugs resides, was not spared. This shows us that the problem is indeed serious and the solution is not a walk in the park,” saad ni Barbers, chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs.

Ang Davao City ang balwarte ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na naglunsad ng madugong giyera kontra illegal na droga sa panahon ng kaniyang administrasyon.

Kasabay nito, nanawagan si Barbers sa PNP at PDEA na aktibong kumilos para lipulin ang source ng illegal na droga sa Davao City.

“Spare no one and leave no stone unturned in getting to the bottom of this mess,” ani Barbers na sinuportahan si Davao City Mayor Sebastian “Baste’ Duterte sa determinado nitong paglaban sa seryosong problema sa droga ng lungsod.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with