Operasyon ng PNR sa Bicol Region, balik na
MANILA, Philippines — Balik nang muli ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa Bicol Region simula kahapon.
Matatandaang una nang sinuspinde ang serbisyo ng naturang rail lines simula noong Oktubre 22 kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur.
Ayon sa PNR, nagpasya silang ibalik na ang operasyon matapos na matiyak na ligtas na ang mga riles nito para gamiting muli.
Anang PNR, balik na ang regular schedule ng lahat ng serbisyo ng tren mula Naga City hanggang Sipocot, gayundin ang mula Legazpi City hanggang Naga City at pabalik.
- Latest