^

Probinsiya

Tatay pinatay ng 15-anyos stepson!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tatay pinatay ng 15-anyos stepson!
Naitakbo pa sa Southern Tagalog Regional Hospital subalit idineklara nang dead-on-arrival ang biktimang si alyas na “Nesting”, 47-anyos, residente ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.
STAR/File

Umawat sa away-magkapatid

CAVITE, Philippines — Patay matapos saksakin sa mukha ng kaniyang 15-anyos na stepson ang isang tatay na umawat lamang sa away ng dalawang anak-anakan kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Bacoor City.

Naitakbo pa sa Southern Tagalog Regional Hospital subalit idineklara nang dead-on-arrival ang biktimang si alyas na “Nesting”, 47-anyos, residente ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Kusang loob namang sumuko sa kanilang barangay ang suspek na si alyas “Jon”, high school student at residente ng San Rafael Executive Village, Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng gabi nang maganap ang insidente nang magtalo ang suspek at isa pang half brother na si alyas Kyle dahilan upang pumagitna ang kanilang tatay-tatayan upang umawat.

Gayunman, ikinagalit ito ng 15-anyos na suspek at inakalang kinakampihan ng biktima ang kaniyang kapatid.

Naglakad palabas ng bahay ang biktima pero sinundan siya ng 15-anyos na suspek at dito na inundayan nito ng saksak sa mukha ang ama-amahan.

Nang duguang bu­magsak ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek pero kalaunan ay sumuko sa barangay at ipinasa naman sa himpilan ng Bacoor Police.

vuukle comment

BACOOR CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with