^

Probinsiya

6 beybi tepok sa Pertussis sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
6 beybi tepok sa Pertussis sa Cavite
Feet of an infant.
Pixabay / Marjonhorn

MANILA, Philippines — Anim na sanggol na may 2-buwan hanggang 4-buwang gulang ang patay sa Pertussis outbreak sa Cavite.

Sa inilabas na Pertussis Surveillance Report ng Cavite Provincial Health Office (PHO), nagtala sila ng 36 kaso ng Pertussis mula Enero 1, 2024 hanggang nitong Marso 25, 2024 at anim dito ang kumpirmadong patay.

Sinabi ng PHO na ang bilang ng kaso ng Pertussis sa lalawigan ay mas mataas na 3,500% kumpara sa parehong panahon ng nakalipas na taon na may isa lang na kaso.

Sa kabuuang kaso ng naiulat, 21 (58%) ang kumpirmado, 14 (39%) ang suspect, at isa (3%) ang probable sa Pertussis.

Nabatid na ang lungsod o munisipalidad na may mataas na kaso ng Pertussis ay ang Bacoor at Trece Martires.

Sinabi pa ng PHO na karamihan sa mga tinamaan ng Pertussis ay mga bata na nagkaka-edad ng 1 hanggang 16 at karamihan ay mga lalaki na nasa 50%.

vuukle comment

PERTUSSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with