^

Probinsiya

Vice mayor nanumpang bagong alkalde sa Silang

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Agad na nanumpa si Vice Mayor Edward “Ted” Carranza bilang acting mayor sa Silang, Cavite matapos maisilbi ang 6-buwang suspension order ng Ombudsman laban kay Mayor Alston Kevin Anarna nitong Huwebes.

Ang 1st Councilor na si Mark Anthony Toledo ang nanumpa naman bilang acting vice mayor ng nasabing bayan.

Ito ay matapos matanggap ni Interior Sec. Benjamin Abalos Jr. ang kopya ng suspension order na may petsang Abril 12, 2024 subalit isinapubliko nito lamang Miyerkules, Abril 24.

Umalma naman si Anarna sa suspension order at itinanggi ang anomalyang ibinibintang sa kanya kaugnay sa pag­lustay umano ng pera sa naganap na fiesta ng kaniyang bayan noong Enero 28, 2023.

Paliwanag ni Anarna, ang kasong isinampa sa kanya ay ibinase sa Audit Observation Memorandum ukol sa kanilang Silangueño Ball subalit hindi umano siya ang humawak sa nasabing event kundi ibang opisyal. At dahil sa tiwala sa nasabing opisyal, pinirmahan umano niya ang mga ipinasang request funds na gagamitin sa nasabing okasyon.

Dagdag nito, naka­kagulat na ang halagang involved na inirereklamo sa kanya ay hindi pa umabot sa halagang P150,000. Hindi umano niya dudungisan ang kaniyang pangalan ng dahil lang sa P60,000 o P90,000.

Sa reklamo ng isang Edgardo Arenco Ba­yan, sinuspinde ng Ombudsman nitong Abril 25 ng anim na buwan ng walang sahod ang nasabing alkalde kasama ang kapatid nito na si Nathaniel Anarna Jr. na chairperson ng Bids and Awards Committee (BAC) dahil sa pagbili ng mga bulaklak, string lights at iba pang materyales na ginamit sa kanilang kapistahan (Silangueño Ball).

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with