^

Probinsiya

Vice mayor sumemplang sa motor, patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Vice mayor sumemplang sa motor, patay!
Ilang araw na na-comatose habang nasa intensive care unit ng UST Hospital at kahapon ng umaga ay tuluyan nang pumanaw ang mabait at pilantropong vice mayor na si Carlito Bercasio.
STAR/File

Kasunod ng pagkasawi ng mayor

BACACAY, Albay, Philippines — Nagdadalamhati hindi lang ang mga kamag-anak kundi ang buong bayan ng Bacacay sa lalawigang ito matapos masawi ang kanilang bise alkalde makaraang maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Brgy. Hindi ng bayang ito noong Linggo ng gabi.

Ilang araw na na-comatose habang nasa intensive care unit ng UST Hospital at kahapon ng umaga ay tuluyan nang pumanaw ang mabait at pilantropong vice mayor na si Carlito Bercasio.

Sa ulat, mag-aalas-10 umano ng gabi sakay ng kanyang motorsiklo si Vice Mayor Bercasio at binabagtas ang kahabaan ng highway nang biglang mawalan ng kontrol at sumemplang at mabagok sa sementadong kalsada.

Mabilis na sumaklolo ang mga pulis at dinala sa Cope General Hospital sa Tabaco City ang duguang biktima pero dahil sa maselang lagay ay inilipat ito sa mas malaking pagamutan sa Legazpi City kung saan ito nasawi habang ilang araw na nilalapatan ng lunas. Hindi pa ma­linaw sa imbestigasyon kung ano ang dahilan ng aksidente. Base sa nakuhang kopya ng CCTV camera parang iniwasan bigla ng opisyal ang kalabaw sa kalsada habang isa pang anggulo ay baka inatake ito sa puso habang nagmamaneho.

Malungkot umano ang bayan dahil noong Nob. 17 ng nakalipas na taon ay nasawi rin dahil sa aneurysm ang kanilang mayor na si Armando “Dinky” Romano.

Pinalitan ni dating Vice Mayor Edsel Belleza si Romano dahilan para umakyat naman bilang bise-alkalde ang number 1 konsehal na si Bercasio na sa kamalasan ay nasawi naman kahapon dahil sa aksidente.

vuukle comment

ALBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with