^

Probinsiya

International AIDS Candlelight Memorial, ginunita sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial kahapon sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito sa pamamagitan ng pagtataas ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS.

Isang mensahe ng pagkakaisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office - Public Health at iprinisinta sa libu-libong dumalo ang simbolikong pulang laso na sagisag ng patuloy na laban sa HIV at AIDS.

Binigyang diin ni Balingit ang dedikasyon ng Bulacan sa pagbibigay ng accessible healthcare services, partikular na sa pamamagitan ng mobile healthcare services, at pagsusulong ng karapatan ng mga indibidwal na nabubuhay at apektado ng HIV.

Pinagtibay ring muli ni Gob. Daniel Fernando ang pangako ng lalawigan na magkaroon ng lugar ng trabaho na malaya sa kadena ng HIV-related stigma at diskriminasyon. Nagsisilbing taunang pagpupugay para sa mga buhay na nawala dahil sa AIDS, hinimok nito ang mga kalahok na magtipon at mag-alay ng panalangin hawak ang mga kandila na may pulang laso.

Sa humigit-kumulang 38 milyong taong nabubuhay na may HIV sa buong mundo, layon ng aktibidad na buwagin ang stigma at diskriminasyon, alok ay pag-asa para sa mga bagong henerasyon. Maaaring kumalat ang HIV sa pamamagitan ng pagpapalitan ng ilang body fluids kabilang ang dugo, gatas ng ina, semilya, at vaginal secretions, ayon sa World Health Organization.

AIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with