^

Probinsiya

2 todas sa pamamaril sa Bacolod

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 todas sa pamamaril sa Bacolod
Dead-on-arrival (DOA) sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) ang mga biktimang sina John Paul Montaño, 35, bodyguard kasamang si Christopher Mondejar, 18, kapwa residente ng Barangay Mansilingan.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines —Dalawa katao ang patay nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Bacolod City.

Dead-on-arrival (DOA) sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) ang  mga biktimang sina John Paul Montaño, 35, bodyguard kasamang si  Christopher Mondejar, 18, kapwa residente ng  Barangay Mansilingan.

Ayon kay Police Capt. Andy Ofalia, hepe ng Police Station 7,  papasok sa kayang trabaho sa Brgy. Punta Taytay si  Montaño kasama si Mondejar nang sundan ng isang kotse na may sakay na  dalawa hanggang tatlong armadong mga suspek.

Dala ng matinding takot, pinaharurot ng mga biktima ang motorsiklo subalit nakorner sila sa Barangay Alijis at saka pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Natagpuang tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan ang mga biktima at dinala sa nabanggit na ospital pero kapwa idineklarang DOA.

Nakuha sa crime scene ang pitong basyo ng  9mm, apat na basyo ng .45 caliber at kutsilyo.

Sinabi ni Ofalia na may person of interest sa insidente.

Tinitignan na rin ang anggulo na personal  na alitan ang motibo sa pamamaslang dahil  may dati nang ini­reklamo si Montaño na pambubugbog at pananakit. Bineberipika na rin ag sasakyan ng mga suspek.

DOA

POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with